Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rcrew4U, tinilian sa mall show ni Nash guas

 

050115 Rcrew4U Nash Aguas

00 Alam mo na NonieMARAMING mga kabataan ngayon ang nagnanais mapansin at gustong magkaroon ng chance na makilala at gumawa ng pangalan sa entertainment industry. Katulad ng grupong Rcrew4U na nagmula pa sa San Pablo City at kasalukuyang gumagawa ng ingay sa dance music scene.

Binubuo ang grupong Rcrew4U ng anim na kabataang lalaki na sina Niko Alcantara, Carlos Hernandez, Nicole Reyes, Harry Hitosis, Unices Manalo, at Johncroy Lacap.

Nais nilang patunayan na hindi lang sila marunong sumayaw, kundi mayroon ding good looks na mas lalo pang nagbigay ng karapatan sa kanila na magkaroon ng puwang sa industriyang ito.

Ang grupo ay nagsilbing front act sa matagumpay na show ni Nash Aguas sa Ultimart Mall, San Pablo City. Dito ay mas napansin ang kanilang husay bilang dancers. Kaya’t after ng nasabing show ay pinagkaguluhan na sila ng fans at hindi magkamayaw ang mga ito sa pagpapakita ng paghanga at todong-suporta sa kanilang umuusbong na career.

Naniniwala naman ang kanilang manager na si Aldrin Cacayan na may magandang kapalarang naghihintay sa Rcrew4U sa mga darating na panahon. Ayon naman sa members ng grupo, mga bata pa naman sila at hindi nagmamadali para sumikat. Ine-enjoy lang daw nila ang kanilang ginagawa para mas makapagbigay ng kasiyahan sa ibang taong naniniwala sa kanilang talent.

Sa mga darating na araw ay may mga naka-line-up na out-of-town shows at TV guestings ang Rcrew4U. Hangad nilang suwertehin sa mundo ng showbiz para maging matagumpay sa kanilang napiling career.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …