Sunday , December 22 2024

Multa sa antuking sekyu sa Cebu Capitol pinalagan

CEBU CITY – Inalmahan ng mga guwardiya mula sa GDS Security Agency na naka-assign sa Cebu Provincial Capitol ang anila’y hindi makatarungan na halaga ng multa na ipinapataw sa sino mang mahuhuling natutulog sa gitna ng kanilang trabaho.

Mismong si Cebu Gov. Hilario Davide III ang nagpahayag na dapat lamang na parusahan ang mga guwardiya na nagpapabaya sa kanilang trabaho dahil hindi sila sinasahuran para lamang matulog.

Nabatid na umaabot na sa pitong mga security guard ang napatawan ng tig-P1,000 makaraan mahuling natutulog habang naka-duty sa kapitolyo.

Una na ring umapela ang nasabing mga guwardiya kay Cebu Vice Gov. Agnes Magpale para ibaba ang halaga ng multa.

Ayon sa kanila, hindi talaga maiiwasan na makaidlip ngunit ginagawa nila ang kanilang trabaho at siniguro pa rin ang seguridad ng kapitolyo lalo na tuwing gabi.

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Gov. Davide ang pormal na apela ng naturang mga security guard ngunit una nang nag-abiso na kabilang sa pinirmahang MOA ng nasabing ahensiya ang halaga sa multa na kanilang ipinataw.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *