Sunday , December 22 2024

Manok sa 2016 ihahayag sa Hunyo — PNoy

IHAHAYAG na ni Pangulong Benigno Aquino III bago matapos ang susunod na buwan (Hunyo) ang kanyang manok para sa 2016 presidential derby.

Sa isang ambush interview kay Pangulong Aquino sa Negros Occidental, inamin niya na tuloy-tuloy pa rin ang pagpupulong ng Liberal Party hinggil sa kanilang magiging standard bearer sa 2016 presidential polls.

“Tuloy tuloy pa ‘yan. There’s no change. We are still targeting end of semester, end of June to make the announcement,” aniya.

Ipinagmalaki pa niya na maraming “coalition partners” ang LP ngayon kompara noong 2010 presidential elections dahil mas kaunting problema ang mamanahin sa kanya ng susunod na administrasyon.

“The Liberal Party, marami kaming coalition partners, and siguro kung marami kami noongg 2010, mas marami ngayon dahil ang mamanahin ng susunod sa akin mas konti ang problema,” aniya na tila pasaring na naman sa nakalipas na administrasyon na ilang beses na niyang binatikos dahil sa malalaking problemang ipinamana sa kanya.

Nang tanungin ng media kung si Interior Secretary Mar Roxas ang napipisil na ipalit sa kanya ng LP sa Palasyo ay hindi niya ito kinompirma.

“Ang buwan ngayon April. Sa June ko sasabhihin,” sabi lang ng Pangulo.

Nauna nang inihayag nina Senate President Franklin Drilon at Budget Secretary Butch Abad na si Roxas ang magiging pambato ng LP sa 2016 presidential elections.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *