Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jokes ni Joey, ikinairita ng netizens; Joey, napikon

ni Alex Brosas

050115 Joey de Leon

HALATANG napikon si Joey de Leon nang tira-tirahin siya sa kanyang Nepal earthquake jokes.

“News: NEPAL Earthquake-Major! In the Philippines EPAL landslide-Great!” tweet ni Joey.

Later, isa pang tweet ang ipinost niya, ”Sa mga nalibing sa Highest Point in the World dahil sa avalanche because of the earthquake in Nepal, May you EVEREST IN FREEZE!”

Rito na nagwala ang mga tao sa social media. Foul daw ang joke ni Joey, insensitive at hindi nakakatawa.

Bumuwelta naman kaagad si Joey and said, ”Bakit ganon sa twitter pag hindi nila nakuha joke or not o hindi sila nakaisip nung entry wala ka nang kwenta? I just condoled mga bobo!”

“Sa mga “righteous” dyan: Do not talk to me about respect for the dead. Kausapin nyo muna creators ng Walking Dead at mga Vampire series!” dagdag pa niya.

“Pero noong si korina ang nagsabi na sana yung bagyo sa japan na lang, todo post agad tong joey na to. Pero pag sa kanya , joke lang, dapat daw makuha natin na joke lang. Kahit nung si vice ang nag joke lang todo react agad sya. Yan kasi nagmamagaling. Ggrrrr,” mataray na say ng isang guy.

Oo nga naman. Eh, kung isa sa anak niya, anak ni Vic or ni Tito Sotto ang nagkataong nadesgrasya sa Nepal, magbitaw pa kaya siya ng ganyang joke?

“If it was a joke, it wasn’t funny. Joey should just retire. Ang corny ng jokes niya. Henyo daw pero di naman nakakatawa,” mataray na comment naman ng isa pa.

True ‘yan, ‘te. Super corny nga ang joke ni Joey na masyadong pa-witty.

Pero ito ang pinakabonggang comment, ”Anong pinagsasabi nitong joey na he just condoled??? WTF! Wala naman sa mga tweets niya na nagcondole siya. Bagkus ginawa pa nga niyang butt of his jokes yung nangyari sa nepal. Seriously, he needs to undergo social graces & cultural sensitivity seminars. Siya ang hindi nakakaintindi ng pagbibigay sympathy & condolences! And oh please, ang corny lang ng column niya sa paper. It’s not worth one’s time & effort to read it. Hindi nakakatawa yung mga sinusulat niyang jokes at ang lalaki pa ng font. nakakadisappoint talaga. You’d expect more from aN experienced comedian like him. Halatang na Nagsusulat lang siya for the heck of it! What a waste of money to be paid to him for it & what a waste of space sa paper. Sana hindi na lang siyang kinuhang writer sa paper na yun kasi hindi niya talaga forte yun.”

Ayan, natarayan ka tuloy, Joey.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …