Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, posibleng mapagkamalang si Daniel

043015 JC daniel Padilla

00 SHOWBIZ ms mHINDI man masyadong magkahawig, tiyak na mapagkakamalang si Daniel Padilla ang kapatid niyang si JC kung boses ang pagbabasehan.

Si JC ay anak ni Karla Estrada kay Naldy Padilla, dating vocalist ng Orient Pearl at isa sa inilunsad ng Star Music para sa kanilang OPM Fresh album na binubuo ng mga baguhang singer.

Sa paglulunsad ng album ay kinanta ni JC ang awiting Kasalanan na original song ng Orient Pearl at parang ang narinig naming umawit ay si Daniel. Pero agad namang iginiit ni JC na magkaiba sila ng style ng kapatid niyang si Daniel sa pagkanta nang sabihin ditong baka masabing ginagaya niya ang kanyang Kuya o di nama kaya’y si Daniel talaga ang kumanta.

“Siguro masabi ko lang na difference naming…hindi ko naman inilalayo ‘yung boses ko and hindi ko rin naman ginagaya ‘yung boses niya (Daniel). Pero siguro magkaiba talaga ‘yung style,” ani JC.”Husky ang boses ko. Mas clean kay kuya. Mas pang-pop ang boses niya.

“Sinabi pa ni JC na wala siyang interest pasukin ang pag-arte, ”Singer lang forever,” anito.

Samantala, ibibda ng Star Music ang susunod na henerasyon ng OPM talents at ang bago nilang tunog sa pinakabagong compilation album nga na OPM Freshtampok ang solo at group acts mula sa iba’t ibang music genres.

Ang unang compilation album ay naglalaman ng 13 kanta at dalawang bonus tracks. Tampok dito ang pioneer batch ng OPM Fresh na kinabibilangan ngHarana, ang pinakabagong boygroup ng young Kapamilya heartthrobs na sinaJoseph Marco, Bryan Santos, Michael Pangilinan, at Marlo Mortel. Nasa album ang kanilang single na Number One gayundin ang awiting M.O.O. ni Marlon.

Kasama rin ang awitin ni PBB All In finalist Maris Racal, ang Tanong Mo Sa Bituin, at ang The Voice artist na si Jacob Benedicto para sa ’Pagkat Ikaw.

Ipinagmamalaki rin ng Star Music ang pagkakasama rito ng composers na sinaKaye Cal (Isang Araw), Hazel Faith (Liwanag), at MMJ o ang Magno Twins(Haypa (Hayup Ah).”

Kabilang din sa track list ng OPM Fresh ang Rain Dance ng recording artist/EDM producer na si Moophs feat. Alexandra; Boy ng Star Magic artist na si Renee Pionso; Til My Heartaches End ng TFCkat 2013 grand winner na si Vanessa Q;Must Be Going Crazy ng Star Magic batch 2013 member na si Alexander Diaz; Hanep ng all-girl band na Rouge.

Kasama rin sa album ang bonus tracks nina Inigo Pascual (Lullabye-bye) atAlex Gonzaga (Break Na Tayo).

Mabibili na ang OPM Fresh sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring mai-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …