Sunday , December 22 2024

Commutation hihilingin ng PH para kay Veloso

HINDI iniwanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ni Mary Jane Veloso, kahit naipagpaliban na ang pag-execute sa kanya.

Ayon kay DFA spokesman Asec. Charles Jose, mas lalong puspusan ang ginagawang koordinasyon sa kanilang counterparts sa Indonesia para sa development ng kaso.

“We’ve employed diplomatic track since Veloso’s conviction in 2011. In fact, we’ve been able to stay her execution for years,” wika ng DFA spokesman.

Dagdag ni Jose, katuwang nila ang DoJ at iba pang ahensya na makatutulong para tuluyang maisalba ang ating kababayan at hindi pagpapaliban lamang ng bitay ang ating makuha.

Target aniya nilang humiling ng commutation para masabing ligtas na talaga sa bitay ang ating kababayan.

Ngunit sa ngayon ay obligado ang Filipinas na patunayan ang mga dahilan kaya naipagpaliban ang firing squad sa Filipina drug convict.

Buhay ni Mary Jane ‘di pa tiyak kung hanggang kailan

WALANG ideya si Pangulong Benigno Aquino III kung hanggang kailan tatagal ang buhay ni Filipina drug convict Mary Jane Veloso makaraan ipagpaliban ang pagbitay sa kanya sa pamamagitan ng firing squad sa Indonesia.

Mismong si Pangulong Aquino’y inamin na hindi niya alam kung hanggang kailan ang ibinigay na reprieve ng Indonesia kay Veloso.

Wala aniyang pinagkasunduan sa detalye at tinanong lang ang gobyerno kung gaano katagal para makompleto ang proseso sa pagsasampa ng kaso laban sa recruiter ni Veloso na si Cristina Sergio.

Sagot aniya ng gobyerno ay posibleng abutin ng dalawang buwan dahil nasa preliminary investigation pa lamang ang Department of Justice sa kaso laban sa mga recruiter ni Veloso.

“Now, as far as conditions are concerned, tinanong lang tayong how long will it take to complete our processes. So for instance, we try to be very, very factual. My understanding is the SOJ will be talking to their attorney general to discuss all our procedures. I told them honestly bakit… parang longer than—something like two months. We’re in the preliminary investigation stage,” aniya.

Rose Novenario

Recruiter ni MJ ipina-subpoena na

PINADALHAN na ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation, ang sinasabing mga recruiter ni Mary Jane Veloso, ang Filipina drug convict na muntik nang bitayin sa Indonesia.

Sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano kahapon, si Maria Kristina Sergio at ang kanyang live-in partner na si

Julius Lacanilao ay pinadalhan na ng subpoena.

Ang dalawa ay inutusang dumalo sa preliminary investigation sa  DoJ main office sa Manila sa Mayo 8 at Mayo 14 dakong 2 p.m.

Ang dalawa, gayondin ang isa pang sinasabing kasabwat na African, ay inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ng human trafficking, illegal recruitment at esfata.

DILG, PNP, DoJ nagkasundo (Sergio sa Crame muna)

NAGKASUNDO ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DoJ), at Philippine National Police (PNP) na manatili muna sa Camp Crame ang sinasabing recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio para sa kanyang protective custody.

Una rito, sinabi ng DoJ na kukunin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kustodiya ni Sergio dahil sila ang naghain ng reklamo.

Gayonman, makaraan  mag-usap sina Justice Sec. Leila de Lima, Interior Sec. Mar Roxas at kinatawan ng PNP ay napagdesisyonan nilang sa Kampo Krame na lang muna  mananatili ang suspek.

Magugunitang boluntaryong sumuko si Kristina sa pulisya dahil sa patuloy na natatanggap na banta sa buhay galing sa pamilya Veloso.

Agad siyang inilipat sa Camp Crame kasama ang live in partner na si Julius Lacanilao, para sa kanilang kaligtasan.

Muling iginiit ng suspek na hindi siya kasali sa ano mang sindikato ng droga at hindi rin siya ang recruiter ni Mary Jane na muntikan nang binitay sa Indonesia.

Batas ng Indonesia irespeto (Widodo sa international community)

UMAPELA si Indonesian President Joko Widodo sa ibang bansa na irespeto ang kanilang mga batas.

Ito’y kasunod ng pag-execute sa pamamagitan ng firing squad sa walong drug convicts, at tanging ang Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso ang nakaligtas makaraan sumuko ang itinuturong illegal recruiter niya sa Filipinas.

“This is our legal sovereignty,” giit ni Widodo. “I will not repeat it over and over. Do not ask me that again. This is our legal sovereignty. Our legal sovereignty must be respected. We also respect other countries’ legal sovereignty.”

Nilinaw rin ni Widodo na ipinagpaliban lamang ang execution kay Veloso.

“There was a letter from the Philippine government saying that there is a legal process related to human trafficking there. So we need to respect this legal process. It’s not cancelled. This is a delay,” wika ng Indonesian president.

Matatandaan, kabilang sa pinaharap sa firing squad ang dalawang Australiano na una na ring umapela sa hatol ngunit hindi pinagbigyan. Dahil dito, ipina-recall ng Australia ang kanilang ambassador sa Indonesia.

Kritiko sinopla ni PNoy (Sa Veloso case)

SINOPLA ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kritiko na nagsabing dapat maging ‘wake-up call’ sa kanyang administrasyon ang kaso ni Filipina drug convict Mary Jane Veloso.

Sinabi niya na mula nang bitayin sa China ang mga Filipino drug mules noong 2011 ay talagang pinilit ng gobyerno na manigurado na maprotektahan ang OFWs.

Bilang patunay ay bumaba na aniya sa 14 ngayon ang nasakoteng Filipino drug mules sa ibang bansa mula sa dating 78 kada taon.

“Kung maalala ninyo no’ng inumpisahan lahat itong mga proseso na dagdag seminar bago ka ma-deploy, especially para maprotektahan against ‘yung human trafficking at saka itong pagiging mule sa drugs, maraming kritisismo kaming tinanggap na dagdag pahirap daw sa mga OFW. Pero naipakita naman siguro sa resulta na ‘yung insidente nga 78, naging katorse, malaki talaga itinulong,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview makaraan pasinayaan ang P700 milyon na proyekto sa Negros Occidental na Negros Fist Rice processing center at Negros first cyber center.

Buwelta pa niya sa mga batikos, alam ng publiko ang katotohanan kaya wala siyang interes na makipag-agawan sa kredito sa pagsalba sa buhay ni Veloso mula sa firing squad sa Indonesia.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *