Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bike rider todas sa trailer truck

SABOG ang ulo at bali-bali ang buto ng isang bike rider makaraan mabundol nang humahagibis na trailer truck kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nestor Patria, nasa hustong gulang, residente  ng Alpha St., Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod, makaraan makaladkad ng ilang metro at una ang ulong bumagsak sa sementadong kalsada.

Habang kusang-loob na sumuko ang suspek na si Sonny Boy Lanohan, 38, ng Brgy. Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, driver ng trailer truck (TXE-610), nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ni PO3 Tristan De Lara, traffic investigator, dakong 3:40 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. North Bay Boulevard South ng lungsod.

Nasa pasalubong na direksyon ang bisekletang sinasakyan ni Patria nang bigla si-yang salpukin nang humahagibis na truck kaya siya tumilapon at nakaladkad na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …