Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 tiklo sa jueteng sa Caloocan

ARESTADO ang 10 katao makaraan maaktohan habang nagbobola sa resulta ng sugal na jueteng sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng North Extension Office (NEO) ng Caloocan City Police ay kinilalang sina Danilo Balejo, 60; Alex Endaya, 33; Julius Castillo, 44; Vic Ilao, 50; Edison Torino, 43; Rolly Lat, 47; Ricardo Canarias, 49; Rady Canarias, 43; Maximo Villaflor, 51 at Ronilo Dagongdong, 38.

Napag-alaman, tanging sina Villaflor at Dagongdong lamang ang naninirahan sa Caloocan City habang ang iba pang naaresto ay nagmula pa sa mga lalawigan ng San Pablo City, Canlubang, Laguna, Tiaong at Candelaria sa Quezon Province.

Base sa nakalap na impormasyon sa NEO ng Caloocan City Police, dakong 4 p.m. nang maaresto ang mga suspek sa Samaria Village, Brgy. 187, Tala habang abala sa pagbola sa resulta ng jueteng.

Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang mga jueteng paraphernalia at jueteng money na aabot sa P1,206.75.  

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …