Tuesday , November 19 2024

Sam, personal na inimbitahan nina Manny at Jinky para sa Pacquiao-Mayweather fight!

043015 sam milby jinkee pacman

00 fact sheet reggeeHINDI inaasahan ng aktor na si Sam Milby na makakapanood siya ng Pacquiao-Mayweather fight sa Mayo 3, Linggo dahil nga nagkaubusan na ng tickets para sa mga gustong bumili pa.

Laking gulat ni Sam nang personal siyang imbitahan ng mag-asawang Manny at Jinky sa bahay nila sa Beverly Hills, Los Angeles USA dalawang araw bago tumulak patungong Las Vegas, Nevada USA si Manny.

Kaya’t sobrang saya ni Sam dahil nagpa-picture pa si Jinky sa kanya at inaming fan siya ng aktor na ipinost pa sa Instagram account niya, “thank you Sam Milby. I’m a fan. God bless you.”

Uuwi na dapat ng Pilipinas si Sam sa Mayo 2 pero naurong sa Mayo 4 dahil binigyan siya ng ticket ni Manny para manood ng laban nito kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 3 sa Las Vegas, Nevada USA.

Kaya uuwi ng Pilipinas si Sam ay dahil bestman siya sa kasal ng bestfriend niyang si John Prats kay Isabel Oli sa Mayo 16.

Ang alam namin ay busy pa si Sam sa workshop niya kay Ivana Chubbuck sa Los Angeles California.

Masayang ibinalita ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo nang makita namin sa ginanap na Star Music OPM Fresh launching na pagdating ni Sam ng Pilipinas ay may gagawin siyang pelikula at teleserye na ayaw naman nitong banggitin pa sa amin dahil bawal daw.

Samantala, hindi pa ganap na alam ni Erickson ang detalye kung paano naimbitahan sa Red Carpet Gala Night ng 2015 Los Angeles Pacific Film Festival si Sam at nakapanayam siya ng Pacific Rim Video correspondent na si Chris Trondsen.

“Tulog pa si Sam ngayon (2:00 p.m. dito sa Pilipinas) kaya hindi pa sumasagot sa messages ko,” sabi ni Erickson sa amin.

Kaya’t pinanood na lang namin ang video ng interbyu ni Sam sa ginanap na Asian Film Festival at natutuwa raw siya dahil maraming Asian actors ang nakakapasok na sa Hollywood na alam naman nating mahirap ma-penetrate.

Kinumusta siya ni Chris Trondsen at kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa LA at dito na nabanggit ni Sam na nag-worskhop siya at nag-audition pero wala ng binanggit kung anong resulta.

Kaya kinulit namin si Erickson kung anong nangyari sa auditions ni Sam sa Los Angeles napangiti lang ang nasabing manager.

“Hindi ko pa alam, malalaman ko palang ‘pag nagka-usap na kami ni Sam,” sagot sa amin ng CEO ng Cornerstone Talent Management.
ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *