Saturday , November 23 2024

Paslit dinalirot lolo kalaboso (Inakit sa kendi)

KULONG ang isang 65-anyos lolo makaraan ireklamo ng pagmolestiya sa isang 3-anyos babaeng paslit kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Combati, residente ng Heroes Del 96, Brgy. 69 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape at paglabag sa R.A.7610 (Child Abuse), nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police, ayon sa salaysay ng ama ng biktimang si Jasmine, napansin niyang nasa isang sulok ng kanilang bahay ang anak kaya niya nilapitan.

Sa puntong iyon sinabi ng biktima na nahihirapan siyang lumakad dahil masakit at namamagi ang kanyang ari.

Nang kanyang tanungin kung ano ang nangyari, sinabi ng biktima na dinadaliri siya ng suspek sa tuwing bibigyan siya ng kendi.

Bunsod nito, agad nagtungo sa barangay hall ang ama at ipinaaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *