Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbaba ng bilang ng jobless sa PH ikinagalak ng Palasyo

ISANG araw bago ipagdiwang ng buong mundo ang Labor Day, inihayag ng Palasyo ang kagalakan sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na bumaba ng 19.1% ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, base sa SWS, bumagsak sa 19.1% sa unang quarter ng 2015 ang bilang ng mga walang trabaho na nasa hustong gulang mula sa 27% noong Disyembre 2014.

Ayon pa sa SWS, umabot din sa 38% ng adults ang umaasang magkakaroon ng hanapbuhay dahil dadami ang trabaho sa susunod na 12 buwan.

Patunay aniya ito sa paulit-ulit na pahayag ng Pangulo na ang sambayanang Filipino ang pinakamahalagang kayamanan ng bansa at kasama ang mga ipinatupad na reporma sa mga nakalipas na taon ang pagpupursige ng mga mamamayan na nakaakit ng kompiyansa ng mga mamumuhunan sa Filipinas.

Kaugnay nito, nanawagan ang research group na Ibon Foundation sa pamahalaan na bigyang-pansin ang mga uri nang nalikhang trabaho dahil karamihan sa mga ito’y walang kalidad o hindi permanente.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …