ni Alex Brosas
GRABENG panggagamit ang nangyari nang dumating sa bansa ang Japanese porn star na si Maria Ozawa.
Nagpunta si Maria sa bansa Monday para mag-guest sa 9th anniversary ng Magic 89.9para sa Boys Night Out episode nila.
Nakita namin ang isang photo ni Maria kasama sina Andi Eigenmann at Bret Jacksonna lumabas sa social media. Mayroong hawak na standee si Maria bearing the title of Andi and Bret’s movie. Parang lumalabas na ipino-promote na rin ni Maria ang movie ng dalawa, right?
Clearly, kahit saang anggulo tingnan ay nagamit si Maria? Hindi naman siya part ng movie pero libreng promo ang nangyari. Hindi ba’t malinaw na panggagamit ang nangyari kay Maria?
Anyway, for those who want to see Maria, mayroon siyang bar tour after Labor Day. Tiyak na magpipiyesta na naman ang mga maniac sa Pilipinas.