SA birthday party ni Arjo Atayde pala nagkaroon ng idea ang Star Music head na si Roxy Liquigan kaya nabuo ang Harana boyband na kinabibilangan nina Joseph Marco, Mario Mortel, Bryan Santos, at Michael Pangilinan.
Kuwento ni Roxy sa nakaraang Star Music OPM Fresh launching na ginanap sa Peppeton’s Grill, “last year, may nakita akong video sa party ni Arjo Atayde, may video na sumasayaw si Bryan at si Joseph Marco na parang nagbo-boyband.
“So noong nagkausap kami sa Star Music, sabi ko, mayroon tayong Gimme 5, ‘yung mga teener. Ang wala sa industry natin is ‘yung parang boyband na mga guwapo, hunk na (parang) Mr. Suave lang ang dating.
“So natuloy ‘yung idea na kapag nagkikita kami ni Bryan at Joseph sa Star Magic, ‘huy, bumuo tayo ng grupo. Ang dami nilang pinagdaanan, test recording kina Jonathan (Manalo) at Rox (Santos), nagpa-practice sila.
“Then, nakita ko naman si Michael Pangilinan, alaga siya ni Jobert Sucaldito last year, dinala sa akin kasi we’re looking for a singer para sa sinabmit ni Joven Tan for ‘Himig Handog’ na ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’, ang daming takot na gawin ‘yung kantang ‘yun.
“Sabi ko, Jobert, parang si Michael yata ang puwede rito tapos ipinarinig ko kay Jobert, nagustuhan naman niya. Tapos nag-audition si Michael kay Joven at isang buong three hours to convice Joven at sabi nga niya, siya na nga ‘yung (puwede) kumanta.
“After ‘Himig Handog’, sabi ko kay Jobert, aside from his solo career, gawa rin tayo or isama natin siya sa boyband.
“And then si Mario (Mortel), ‘yung pinaka-last na dumating kasi na-realize namin na dapat apat.
“At sa tanong na (busy) kasi nag-aartista sila, balak lang namin is may banda tapos may sarili pa rin silang mga career.
“Si Bryan is DJ in MOR, si Joseph naman is a leading man, si Michael solo artist, at si Mario is also a leading man.
“Ang problema namin ay ‘yung schedule talaga nila kasi ngayon palang after their guesting sa ‘KZ Tandingan’ na concert, ang daming dumating na invitation para bigyan sila ng shows nationwide, solo shows, we’re very excited dito sa Harana at sa OPM Fresh kasi ang dami na talagang (imbitasyon). Ang audience kasi natin ngayon ay naghahanap na ng bago.”
Ang nilalaman ng Harana album ay ang mga awiting Number One, LDR, Dito Ka Lang Sa Puso Ko, Kapag Ikaw Ay Kapiling, Kung Akin Ang Mundo, at Baby I Need Your Loving.
Kuwento naman Michael na walang intriga sa kanilang apat, “nagtutulungan po kami, like hindi ko kayang abutin ‘yung notes, may sasalo o kaya sinasabi ko talaga na hindi ko kaya, same thing din sila kung may gusto silang kanta sinasabi rin nila,” sabi ng binata.
ni Reggee Bonoan