Sunday , December 22 2024

Bomba, sumpak, droga kompiskado sa 3 taong grasa (Sa ‘kuweba’ sa McArthur Bridge)

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at DSWD ng City Hall ng Maynila ang bomba, droga at sumpak sa ilalim ng McArthur Bridge sa Lawton, Ermita, Maynila kahapon.

Nakapiit na sa Ermita Police Station 5 ang tatlong suspek na sina Dennis Reyes, 24, ng 1142 Paseo Del Carmen, Quiapo, Maynila; Nestor Umacob, 52, ng 659 Arroceros, Ermita, Maynila, at Jonathan Abantag, 33, ng Block 9, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay Supt. Albert Barot, hepe ng Ermita Police Station 5, dakong 8:30 a.m. nang makompiska nina Chief Inspector Elmer P. Oceo at SPO1 Lawrence Dizon ng Plaza Lawton PCP, ang bomba, droga at sumpak sa pinagtataguang kuweba sa ilalim ng McArthur Bridge nang magsagawa ng Oplan Sagip Street Children ang mga awtoridad sa nasabing lugar.

Napag-alaman, pinaputukan ng mga suspek ang mga awtoridad nang pasukin ang nasabing kweba ngunit nasukol ang mga salarin at naaresto.

Sa nasabing operasyon ay dinampot ng mga awtoridad ang sampung kabataan at inilagak muna ng DSWD sa mga bahay-ampunan bago ibabalik sa kanilang mga magulang.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *