Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot arestado sa pagbebenta ng fake gold bar

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng inireklamo ng pagbebenta ng pekeng gold bars makaraan ang isinagawang entrapment operation.

Ayon sa mga biktimang si Divina Sinoy, 49, ng Domolok, Alabel Sarangani Province, at Jolito Sinoy, 56, ng Alegria, Alabel, inalok sila ng suspek na kinilalang si Juanita Bantila ng gold bar sa halagang P40,500.

Dinala aniya sila ng suspek sa Puting Bato, Davao City kung saan nangyari ang bayaran at ibinigay sa kanila ang naturang gold bar.

Pag-uwi sa GenSan ay agad ipinasuri ng mga biktima ang nasabing gold bar upang masigurong ito ay purong ginto, ngunit napag-alamang isa lamang itong tingga na kinulayan ng ginto, kaya’t daling ini-report sa NBI.

Makaraan ang ilang araw ay muli silang inalok ng suspek ng isang golden Buddha at tatlong gold bars sa halagang P100,000, at sa puntong ito itinakda ang entrapment operation laban sa salarin.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang reklamo habang nananatili sa kustodiya ng NBI ang suspek at ang pekeng gold bar na gagawing ebidensya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …