Friday , December 27 2024

80 pasahero sugatan (PNR train tumagilid)

UMABOT sa 80 pasahero ang sugatan nang madiskarel hanggang tumagilid  ang sinasakyan nilang tren ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa kalumaan nito kahapon ng hapon

Makati City.

Inaalam ng Makati City Police Traffic Bureau ang mga pangalan ng mga biktimang isinugod sa iba’t ibang pagamutan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 4 p.m. sa southbound lane ng PNR Site, Brgy. Magallanes ng naturang  lungsod.

Nabatid na galing ang naturang tren sa erya ng Maynila at patungo sa Muntinlupa City, habang sakay ang 100 pasahero.

Pagsapit sa erya ng Brgy. Magallanes, Makati City ay nadiskarel ang naturang tren dahilan upang tumagilid ito at bumalandra sa riles na nagresulta sa pagkakasugat ng mga pasahero.

Isa sa mga teyorya ng pulisya, posibleng ang kalumaan ng tren ang dahilan nang pagkakadiskarel nito. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *