Thursday , December 26 2024

2 seaport officials, nanggigipit sa Subic Bay Freeport locator

00 Abot Sipat ArielDAPAT na talagang sibakin sa puwesto ang dalawang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ng isang kompanya o locator sa Subic Bay Freeport. O kahit ilagay muna sa preventive suspension ng Tanggapan ng Ombudsman para hindi sila makaimpluwesiya sa mga asunto.

Inireklamo ni Fahrenheit Co. Ltd. (FCL) gene-ral manager, president at chief executive offi-cer Isagani Cabrera sina Jerome Marvin Martinez, general manager ng SBMA Seaport Department at Charo Peñaflor, hepe ng Billing Section sa departamento, sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), Ombudsman Act of 1989 (RA 6770) at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713).

Sa kanyang affidavit, apat na kasong administratibo ang isinampa ni Cabrera laban kina Martinez at Peñaflor tulad ng dishonesty, gross misconduct, grave abuse of authority at oppression.

Nag-ugat ang reklamo sa pagpataw ng SBMA Seaport Department noong Disyembre 4, 2014 ng port charges laban sa FCL sa halagang P777,187 at US$32,500 matapos mag-isyu si Martinez ng sertipikasyon ng “Zero Accountability” noong November 14, 2014 at pagpataw ng port charges laban sa barkong nasa custodial egis o nasa kustodiya ng batas.

Kabilang sa port charges ang pag-upa sa Kipping’s Point, sto-rage fee sa Yellow Lane, vessel charges sa Glenn Ocean Support at vessel charges sa dalawang fenders. Iginiit ng FCL na wala itong inu-pahan sa Kipping Point dahil ibang kompanya na Glenn Defense Marine Asia Phils. (GDMAP) ang umuupa sa SBMA.

Nagkaproblema ang FCL matapos bilhin ang Ocean Support mula sa GDMAP pero nanatili itong nasa kustodiya ng Olongapo City RTC-75 hanggang Hunyo 9, 2014 at Makati RTC-148 hanggang Pebrero 27, 2015.

Ngunit nitong Enero 27 at Marso 12, 2015, siningil ni Martinez ang FCL ng P1.23 milyon at US$67,596 at P780,407 at US$67,062, ayon sa pagkakasunod, ng port charges kaugnay ng Ocean Support. Naningil din si Martinez ng vessel charges para sa 20 fenders na nakalista sa statement of accounts noong Enero 27, 2015.

Inapela ng FCL ang port charges pero sa halip linawin ang bayarin ay ibinato ni Martinez ang kaso sa SBMA Legal Department kaya napuwersa ang kompanya na bayaran ang “inexistent” port charges para makaiwas sa panggigi-pit nina Martinez at Peñaflor.

Malinaw na sablay ang ginawa nina Martinez at Peñaflor kaya dapat kumilos si SBMA Chairman Roberto Garcia na suspindehin kung hindi niya kayang sibakin ang dalawang “bulok na itlog” sa Subic Bay Freeport. Tsk tsk tsk. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *