Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14 taon kulong vs kidnaper ng Bombay (1 pinalaya ng korte)

HINATULAN ng 14 taon pagkabilanggo ng korte ang isang lalaki habang pinalaya ang kanyang kasama bunsod ng kasong tangkang pagdukot at pagpatay sa isang negosyanteng Indian national halos anim taon na ang nakalilipas sa Marikina City.

Sa 31-pahinang desisyon ni Judge Felix P. Reyes ng RTC Branch 272, si Leo Inguito ay hinatulang mabilanggo ng walo hanggang 14 taon, walong buwan at isang araw.

Habang pinalaya si Noel Galano y de las Alas, gumamit ng alyas na Leo Escalera, dahil bigo ang prosekusyon na patunayan sa kasong attempted murder at kidnap for ransom.

Matatandaan, dinukot ng mga armadong lalaki noong Hulyo 20, 2009 sa Diamond St., Concepcion ng nasabing lungsod ang negosyanteng si Mohan Sing Girn na noo’y nangongolekta ng pautang.

Dinala ng mga suspek ang biktima sa Cainta, Rizal ngunit nakatakas at nakahingi ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga salarin.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …