Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julius Bergado, magpapakitang gilas sa first major concert sa Isetann Recto

042915 Julius Bergado

00 Alam mo na NonieMAGPAPAKITANG gilas ang newcomer na si Julius Bergado para sa first major concert niya na gaganapin sa April 30 sa Isetann Recto-Cinema 3, titled Julius Bergano, Breakthrough. Special guest niya rito ang EB Babes ng Eat Bulaga.

Kasama rin sa mga guest ni Julius ang katotong si Alex Datu, sina Tyrone Oneza, Xyza, Allan Bergado, Charlotte Mendoza, Jocel Sabino, Isha Valdez, Regine Yangsuan, Melrhyme, Isaac Samudio, Anna Rose, Michael at Alexis Paul Abrenica. Ito ay hatid ni Abel Abrenica, producer at may-ari ng Triple ‘A’ Abrenica Film Productions in coooperation sa Sine Community Artists Productions.

Si Julius ay 19 pa lamang at nag-aaral ng Masscom sa Emiliio Aguinaldo College. “Ang nasa isip ko lang gagalingan ko, I’ll give my best a hundred percent,” aniya.

Incidentally, si Alex na kilala rin bilang the singing reporter ay naging bahagi na rin ng maraming shows at concert. Part siya ng Philamlife Choral Group and Metropolitan Chorale at nakapag-perform na sa CCP, PICC, FAT, Eduardo’s at numerous provincial shows.

Anyway, sinugalan ng mabait na prodyuser na si Abel ang first major concert ni Julius dahil naniniwala siya sa kakayahan nito. “Dati na akong may agency, yung Lucky Star Movie Promotion, ako ang may-ari at nagsu-supply ako ng talent kay Mother Lily, Robbie Tan, Boss Vic del Rosario noong 19 years old pa lang ako. Sanay na ako sa showbiz, kasi assistant casting director ako sa Delta Force at Black Cobra 2, ganyan, ‘yung kay Chuck Norris.”

Sinabi rin ni Abel kung bakit niya naisipang ipag-produce ng concert si Julius. “Nang narinig ko ang boses niya, na-enggganyo akong ipag-produce siya ng concert. May talent kasi talaga si Julius, e,” saad pa ni Abel.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …