Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halik ni James, lasang tuyo — Nadine

033015 Jadine

00 SHOWBIZ ms mNAPAKA-HONEST ni James Reid na amining good friend lang sila ng kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre. Ito’y bilang tugon sa mga nag-aakalang may relasyon na sila.

Natutuwa kapwa sina James at Nadine na ganoon na lamang ang suportang ibinibigay sa kanila ng JaDine fans kahit magkaibigan lamang ang pagtitinginan nila.

“For me, as long as we are working together like this, I don’t think it’s a good idea (that we take our friendship to the next level),” sambit ni James sa presscon ng pinakabago nilang pelikula, ang Para Sa Hopeless Romantic na handog ng Star Cinemaat Viva Films na mapapanood na sa Mayo 13. ”The relationships that go through showbiz never work out. What we have is great. Why spoil it?” dagdag pa ng aktor.

Sinabi naman ni Nadine na bagamat wala silang relasyon, hindi niya rin ma-explain kung saan nanggagaling iyong magandang chemistry nila. ”Basta we’re enjoying each other. Kahit ako po, kami, hindi namin alam kung saan nanggaling ‘yung chemistry.”

Idinagdag pa ni Nadine na parang security blanket niya si James kaya ganoon na lamang siya kakomportable sa binata.

Kung ating matatandaan, taong 2014 inilunsad ang tambalan nina James atNadine. Inilunsad sila sa Diary ng Panget na nasundan ng Talk Back and You’re Dead na talaga namang tinangkilik ng publiko kaya naging blockbuster hits.

And this year, muling makikita ang dalawa sa mga nakakikilig na tagpo sa Para Sa Hopeless Romantic na ayon nga kay Nadine ay mas realistic kompara sa Diary… at Talk Back…

Para Sa Hopeless Romantic, napag-usapan ang kissing scene nina James at Nadine, kaya naman natanong ang dalaga kung ano ba ang lasa ng halik ni James?

Ani Nadine, ”lasa pong tuyo.”

Ayon kay direk Andoy Ranay, ”Naging lasang tuyo kasi kakain sila ng tuyo at champorado. Kinagat ni James ang tuyo at kukunin ni Nadine mula sa bibig ni James ang tuyo. Kaso nahulog ang tuyo kaya ayun, talagang nahalikan ni Nadine si James. Malansa ang kanilang pagmamahalan.”

Sinabi pa ni direk Andoy na hindi siya nahirapang idirehe ang dalawa dahil,”masyadong game na artista ang mga ito kaya nagagawa nilang perfect ang anumang eksenang kailangan.”

Inilarawan naman ni Nadine ang kanilang pelikula bilang, ”Kasi ito, according to (writer) Marcelo (Santos III), nangyari talaga siya. Makare-relate ‘yung mga hopeless romantic, ‘yung mga takot magmahal, mga iniwan, mga gustong balikan sila.

After Para Sa Hopeless Romantic, mapapanood naman sa TV series na On The Wings of Love sina James at Nadine na isang rom-com.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …