Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bucor Chief gusto na rin mag-resign

KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na gusto na rin mag-resign ni retired police general Franklin Bucayu  bilang Bureau of Corrections (BuCor) chief dahil sa dami nang natatanggap na death threats mula sa nabulabog na drug lords sa Bilibid.

Si Bucayu ay pangatlong opisyal na kakalas sa administrasyong Aquino sa loob ng nakalipas na limang araw.

Nauna sa kanya sina resigned Customs Chief John “Sunny” Sevilla at Energy Secretary Jericho Petilla.

Sa panahon ni Bucayu bilang BuCor chief, ilang beses na sinalakay ng National Bureau of Investigationa (NBI) ang mala-hotel room na kuwarto ng VIP drug convicts sa New Bilibid Prisons (NBP) at nakompiska ang milyon-milyong piso, shabu, armas at mga mamahaling gamit.

Noong nakalipas na linggo nama’y ibinunyag ng convicted drug lord na si Ruben Tiu sa NBI na mismong sa NBP galing ang mga drogang ibinebenta niya sa Sablayan Prison and Penal Farm.

Sabi pa ni Tiu na may maliit na shabu laboratory sa loob ng NBP.

Mayroon nang napipisil si Pangulong Aquino na ipapalit kay Bucayu ngunit hindi niya tinukoy ang pagbibitiw.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …