ni Alex Brosas
Napatawa kami dahil nagkaroon ng wardrobe malfunction si Alex Gonzaga sa concert niya recently sa Smart Araneta Coliseum at lait pa ang inabot niya.
Habang kumakanta ay lumitaw ang ang bra ni Alex. But professional that she is, wa keber ang younger sister ni Toni Gonzaga at itinuloy pa rin niya ang kanyang performance na parang walang nangyari.
But her bashers are very unforgiving. Kahit na ganoon na nga ang nangyari sa dalaga ay lait pa rin ang inabot niya sa social media.
“TRYING HARD NAMAN TALAGA TONG SI ALEX PERO AT LEAST SHE TRIED HAHAHHAHA PARA ALAM NYA NA HUSTO LANG SYA SA OA,” say ng isang guy.
“Wardrobe malfunction nga ba or parte talaga ng act para may kakaibang patawa?” mataray na pang-aasar naman ng isa pa.
Sabi naman ng isang guy, “FLOP na FLOP. Namigay na ng mga tickets wala pa rin nanonood sa DA WHO na ito.”