Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wagi sa cara y cruz nirapido sa lamay

PATAY ang isang 55-anyos vendor makaraan pagbabarilin ng magkakapatid nang matalo sa sugal na cara y cruz sa isang lamay sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Tirso Lorot, ng C.M. Recto Avenue, Binondo, Maynila.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang magkakaanak na suspek na sina Nestor Cerilo Sr., Nestor Cerilo Jr., Jayson Cerilo, at Rey Cerilo, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:13 p.m. nang maganap ang insidente sa Binondo.

Ayon sa isang witness na si Pedro Lorot, 21, kapatid ng biktima, sina Nestor Sr., at Nestor Jr., ay natalo ng biktima sa cara y cruz sa isang lamayan sa kanilang lugar na nagresulta sa kanilang pagtatalo.

Galit na umalis ang mga suspek ngunit nang bumalik ay armado ng sumpak, bolo at pen gun at nang makita ang biktima ay pinagbabaril.

LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA, at JOSHUA MOYA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …