Saturday , November 23 2024

NBI dapat bantayan ang mga door to door shipments

00 parehas jimmyMAY natanggap tayong report na mayroon umanong mga nagmamay-ari ng door-to-door na ilan sa kanila ay hinahaluan ‘yung mga balikbayan boxes ng kanilang kontrabando na highly taxable goods at kagaya ng mga Samsung, iPhone5, iPhone6, mga mamahaling relo kagaya ng Rolex at mga alahas.

May report tayo na isang nagngangalang Joel Longares ang meron daw ganitong modus na nagmamay-ari ng ATLAS door to door.

Hindi ko sinasabi na totoo ito. Base lamang sa natanggap kong report sa isang source pero malaki ang respeto ko sa nasabing tao.

Sana naman kung totoo ang report na ito, baka may mga tao na nagpaparating na ginagamit ang kanyang kompanya.

Kaya sana naman, para mawala ang haka-haka ay ilagay sa 100 percent examination ang kanyang kargamento para malinis ang kanyang pangalan.

Si Longares ay maituturing na matulungin sa kanilang probinsiya.

Sana paimbestigahan ito ni Gen. Dellosa na dinaraanan ng kanyang kargamento. Ako ay naniniwala na hindi ito totoo hangga’t hindi pa napapatunayan.

Pero naniniwala ako na ang ginagamit ng iba’t ibang kompanya dahil nahulihan mismo ang Forex na door to door sa airport na naglalaman ng G-Shock at dapat talaga bantayang mabuti ang mga door-to-door dahil unang-una, talagang hindi safe dahil nakikita naman na kahit malalaking kompanya kahit mga mamahaling cellphone na ipinapadala ng OFWs ay nawawala.

Kaya dapat mag-imbestiga ang NBI sa report na ito.

***

Congratulations pala sa NBI sa pangunguna ni Director Virgilio Mendez sa pagkakasabat sa dalawang kilo ng shabu at baril sa isang drug lord na maagap at magaling sa intelligence gathe-ring na anti-illegal drug ng NBI sa pangunguna ni Atty. Joel Tubera ng Reaction Arrest Interdiction Division.

Ganoon din kay Deputy Director for Investigation Chief of Staff, Atty. Vicente De Guzman

Keep up the good work… go go go NBI.

***

Sa mga umapi sa aming big boss na si Jerry Yap, ito lang ang masasabi ko magnilay-nilay at magdasal kayo dahil ang kapangyarihan ay pansamantala lamang.

Maraming kasamahan sa media ang natutulungan ng kasamang Jerry Yap pero mayroon din hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Huwag kang mag-alala Pare Jerry kakampi mo ang NBI sa tuwid na paniniwala sa batas.

Mabuhay ang NBI.

***

Congratulations pala sa aking kumare na si Marife Dangilan at ang kanyang anak na si Denise Dangilan Barbers dahil sa natanggap ni-yang isang prestigious award na ibinigay ng Golden Globe Award for Business Excellence. Si Denise ay nagmana sa kanyang ina na magaling, matalino, at masipag. Siya ay isang young entrepreneur. Siya ay hinirang na Best Construction Project Management Service Provider!

Mabuhay ka Denise at Kumare Marife! Keep up the good work!

***

Congratulations din sa aking kaibigan na si COOV Sigfred “Yeye” Manaois sa pagtatapos ng Doctoral Degree sa Lyceum of the Philippines.

Si Pare Yeye ay isang masipag, magaling at matulungin na opisyal ng Customs.

Marami ang hanga sa kanya dahil sa pagi-ging mabait, palakaibigan at higit sa lahat ay magaling sa basketball!

Kaya naman naniniwala ako na malayo pa ang mararating ng isang Yeye Manaois.

Keep up the good work pareng Yeye! Mabuhay ka! God bless us all! 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *