Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Pinty, nagtatalak sa super palpak na wardrobe ni Alex

042815 Mommy Pinty alex gonzaga

00 fact sheet reggeeKATAKOT-TAKOT na talak ang inabot ng assistant ni Pam Quinones kay Mommy Pinty Gonzaga dahil sa kapalpakan nito sa nakaraang concert ni Alex Gonzaga noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing assistant daw ang namahala sa wardrobe ni Alex noong gabi na pawang palpak sabi mismo ng taong nakatsika namin na nasa dressing room.

Unang salang pa lang daw ni Alex ay palpak na dahil nakatangga ito at walang takip ang harap kaya’t parang bold star daw.

Biglang lumabas din ng entablado si Alex na naka-hanging blouse at lumabas ang bra na idinaan sa biro ng dalaga, “wala kasing kinakapitan kaya hayan (lumabas).

Nagpadala ng leatherette jacket ang assistant sa stage para isuot ni Alex kaya natakpan na ang dibdib ng dalaga sabay biro ulit, “para naman akong mag-a-aksyon nito.”

Lumabas ding naka-leggings si Alex at walang short kaya kitang-kita ang underwear niya sa malapitan.

Kuwento ng taong nasa dressing room, “umalis si mommy Pinty para siguro hindi makapagsalita ng hindi maganda sa mga taong namamahala sa mga damit na isusuot ng anak. (Hindi ba nai-tsek ni Alex o ni Mommy Pinty ang mga isusuot niya bago ang concert? Dapat din may dress rehearsal muna ‘di ba—ED)

Sabi pa raw ni mommy Pinty, “wardrobe palpak, super lahat. Sinabi ko No Tangga, if ever may (suot) skirt pa rin or short. Basta super palpak ang wardrobe. Hindi na kumikibo noon lahat, si Alex sobrang pressured kaya umalis si mommy.”

Tinanong namin kung ang assistant din ni Pam ang namamahala sa mga damit ni Alex sa ibang shows nito.

“Sa concert lang naman ‘yung wardrobe na ginamit ni Alex kaya hindi naman tatanggalin, hindi naman nila personal kaya hindi na ‘yun makakaulit,” paliwanag sa amin.

Ano naman kaya ang pahayag dito ni Ms Pam tungkol sa kanyang assistant.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …