Friday , November 22 2024

Ginamit bilang deodorant?

00 Palipad hangin Arnold ataderoANG feeling ng nag-resign na Customs Commissioner John Sevilla siya ay ginamit na deodrant para  paba-nguhin ang image ng Bureau of Customs na kasing bango raw ng dumpsite sa Maynila.

No cabe  duda, no doubt na si Sevilla, isang binata, may ilang reform na nagawa sa Bureau sa loob ng 14 months. Dahil siya ay back-up ng mga  makapangyarihan sa DoF sa pangunguna ni Secretary  Purisima (tapos mapipilitang  mag-resign si ex-customs  chief Ruffy Biazon sa kabila ng mga accusation na malawakang corruption at smuggling.

Okay very  impressive  ang credentials ni Sevilla. Marami na namang magagandang credential sa pamahalaan. Pero sa situation sa Customs, sa totoo lang, ay nangangilangan ng isang  commissioner na tapos  sa University  of  Hard Knocks. Iyong marunong makitungo sa mga player (hindi naman lahat sila ay smuggler) at gayon din sa mga organic personnel, mas lalo na ang mga director at senior collector. Ewan kung  ang disiplinang ginawa ni Sevilla sa mga senior collector na pawang career professional, graduate ng Ateneo, UP at SanBeda College.

Kunsabagay, ang mga collector nadala sa gulag (floating status) na hanggang ngayon ay hindi pa sila hinahango. Isipin na lang na i-require ni Sevilla na mag-time-in  at mag-time-out ang senior officials na itutulad  sa isang ordinaryong clerk. Para bang hindi pa sapat ang pagpapadala  sa kanila sa gulag.

Hindi kaya na-over estimate ni Sevilla sa kanyang  mga padrino sa puwesto niya? Kung totoo na ginamitan siya  ng political  pressure ng mga tulad  ni ES Ochoa, Secretary Purisima at ilan pang DoF officials, he could  nip it on the bud. Fourteen months na siya sa Customs. Hindi kaya ito ay isang “graceful  exit” dahil hindi niya kayang maabot ang kanyang revenue target? O kaya  naman, may mga illegitimate importer na hirap sa mga policy ni Sevilla na tulad ng utos ng isang hari hindi puwedeng mabali.

Ito  ay posible kung si Sevilla ay Independent  Republic na kahit mga superior niya hindi puwede siyang pakilaman. Pero he was only a political  appointee who serves at the pleasure of the  appointing authority. Siya ay appointee ni PNoy sa pamamagitan ni Purisima.

Ang balita natin, umalma na si Purisima dahil may  mga instructions si Secretary na kinokontra ni Sevilla. Nagkasungay na bang talaga  si Sevilla.

Kung talagang matapat si Sevilla sa tungkulin at sa bayan, bago-bago palang siya, isinibat na niya sina PNoy at Purisima. Dapat tularan niya sana pero water  under the bridge na) si dating Customs Chief (Marcos  era) Maj. Gen.  Ramon Farolan. Noong lumabas si Erap sa pagka-president,  kinuha  niya  si  Mr.  Farolan upang pamunuan ang Customs. Alam ba ninyo kung bakit hindi itinuloy ni Farolan ang pagtanggap sa puwesto? Si  Mr. Farolan  bago lang kaoopera ng heart bypass sa abroad. Pero tila kaya naman niya ang trabaho.

Alam ba ninyo kung bakit hindi siya tumuloy at very  professional siyang tumanggi later? Wala  siyang ibinulgar o anoman. Ang ginawang  razon  ni Gen.  Farolan, siya raw ay babalik  sa US para ipagpatuloy  ang pagpapagaling (he was not getting any younger then). Ang  tunay  na inside story nito ay sa dahilang  first  encounter  ni Mr. Farolan in several long tables sa isang Chines restaurant sa Ermita, susmaryosep.  Pagkadami-daming players (smuggler) ang mga  “visitor?” Pero  hindi nagpa-media si Gen. Farolan.

Iba rin naman si Sevilla. Isipin na lang na mismong sponsors niya sa kanyang puwesto ibinuking  niya? Dapat noon pa lang kumanta na si Sevilla. Bakit nagpaabot pa ng 14 months.

Ang ating information, walang direct access si  Sevilla kay Pnoy, kay Purisima  lang. Ilang  araw bago nag-resign si Sevilla, iyon daw ang kanyang resignation  letter hindi “irrevocable.” De-lastiko ito. Kung pipigilin siya ni Pnoy, tuloy siya sa kanyang puwesto. Pero tila kabaliktaran ang nangyari. Tinanggap kaagad ni Pnoy. Ang duda natin, malaki ang connection nito sa kanyang pagbanat  sa INC ukol daw sa pinapadrinohan ng Iglesia na isang Customs  lawyer (organic) na si Teddy Raval. Hindi  ba’t super-lakas  ka namn kay Sec. Purisima? Dapat hinarang  mo, pero sa  media nag-iiyak. Bidang- bida ka pero nagmukhang  bad boys  ang iyong  mga sponsor.

Dapat bago tuluyang iluklok sa pedestal si  Sevilla, kumustahin natin ang kanyang reve-nue collection. Tila malabo na ring maaprubahan ng Congress ang full  computerization ng Bureau  sa ilalim ni Sevilla. Hindi maganda ang pakikitungo ni Sevilla, hindi lamang sa mga opisyal ng Bureau kung hindi maging sa mga  stakeholder. Halimbawa na lang, ang kanyang pinaratangang player ay mga smuggler at mga taga-bureau ay  mga corrupt. Kita ninyo wala halos umayon  sa kanya na mga tagaloob.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *