Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Artiste Entertainment, tagumpay sa paghahatid ng mensahe!

042815 Tonet Gedang Artiste Entertainment

MASAYANG-MASAYA si Tonet Gedang ng Artiste Entertainment dahil naging matagumpay ang movie screening ng Edna sa Adamson University kamakailan.

Natuwa siya dahil sa magagandang komento at feedback ng mga estudyante sa pelikula. Matagumpay niyang naibahagi ang tunay na mensahe ng pelikula na maging “eye opener” sa karamihan lalo na sa kabataan na may OFW parents na bigyang halaga at ma-realize ang hirap at sakripisyo ng mga magulang sa ibang bansa para maibigay sa mga kapamilya ang ginhawa sa buhay.

“Ang ‘Edna’ ay nagpapakita ng tunay na conflict at nangyayari sa tipikal na pamilyang Filipino,” komento ng estudyante. Humanga rin sila sa galing ng pagganap ng mga bida lalo kay Irma Adlawan dahil naipamalas nito ang pagiging may matatag na kalooban at pagkakaroon ng “good values” bilang makabagong Filipina at bayani.

Sa open forum, may nagtanong kay Mr. Geda g kung sadya ba nilang ginawa at ipinakita ang tawag nilang “poverty porn” na trend sa mga indie movie?

“Kung mapapansin n’yo ang pamilya ni Edna ay middle class at hindi mahirap . Mula sa simula, ang adhikain ng movie ay maipakita ang istorya ng pamilyang Filipino hindi lang ng OFW kundi lahat ng pamilya o magulang na nagsasakripisyo para maibigay ang maginhawang buhay sa mga anak,” ani Tonet.

Ang Edna ay magkakaroon ng eksklusibong screening sa Metropolitan Museum (April 28) at Instituto Cervantes de Manila (May 9), UP Los Banos (April 30), at UP Diliman Film Center (May 18). Puwede ring mapanood ang trailer sa http://www.facebook.com/Edna.Film2014. o mgbrowser sa Edna.Film2014.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …