Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Your Face Sounds Familiar, exciting panoorin!

031115 Your Face Sounds Familiarour face 

00 Alam mo na NonieFIRST time naming nakapanood ng Your Face Sounds Familiar last Saturday at nag-enjoy kami nang husto sa programang ito ng ABS CBN. Actually, ang tinutukan ko that night ay ang Maalaala Mo Kaya? episode na tinatampukan nina Coco Martin, Angel Locsin, at Ejay Falcon ukol sa istorya ng Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Mindanao, na may part-2 pa pala next Saturday.

Anyway, back to Your Face Sounds Familiar, base sa limang nag-perform that night, kina Nyoy Volante na in-impersonate si Sylvia La Torre at Edgar Allan Guzman bilang si Ed Sheeran ang pinakamagaling sa aming palagay.

Actually, kung bagong bukas ka lang ng TV at makita mo sila, hindi mo iisipin na hindi sila ang original at impersonators lang pala sila.

Susunod sa nagustuhan namin ay si Maxene Magalona na ang ginaya naman ay ang kanyang ama na Rap Master at OPM icon na si Francis Magalona. Halos kuhang-kuha talaga niya ang kanyang ama lalo na sa itsura. Kaya lang, sana ay mas nilakihan ni Maxene ang kanyang boses para mas may semblance or mas may touch talaga siya bilang si Kiko.

Sina Jolina Magdangal naman at Karla Estrada ay sina Jaya at Dulce ang natokang i-impersonate, respectively. Samantalang sina Tutti Caringal , Jay-R, at Melai Contiveros ay sa Sunday pa magpe-perform (na paglabas ng kolum na ito ay nakapag-perform na).

Sa ngayon, si Jay R ang nangunguna sa kanilang walo na may score na 133 points. Si Jolina naman ang second with 114 points at third si Nyoy na may score na 113 points. Kaya I’m sure, base sa resulta ng week-Seven, magbabago ang standing nila.

Next week, for sure ay aabangan ko ulit ang Your Face Sounds Familiar para malaman ko kung talagang ang mga celebrity contestants dito ay nakakabilib o nagulat lang ako dahil first time ko itong napanood.
ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …