Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rehab efforts sa Yolanda hit areas, ‘wag nang politikahin – Tacloban official    

TACLOBAN CITY- Umaasa si Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin na hindi mapupulitika ang pagpapatuloy sa rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Yaokasin, ngayong nailipat na sa pamamahala ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pondo para sa rahibilitasyon ay mahalaga na isaalang-alang ng gobyerno ang pagpapabilis sa pagpapatupad ng mga proyekto na inilaan dito lalo na’t nalalapit na ang halalan sa susunod na taon.

Iminungkahi ni Yaokasin ang pagsasaayos sa Tacloban Airport, pagbibigay ng hanapbuhay sa Yolanda survivors at ang programa sa pabahay ang dapat aniyang bigyan ng atensyon ng gobyerno.

Aniya pa, hindi na naayos permanent shelter ng karamihan sa Yolanda Survivors.

Una nito, iniutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang paglilipat sa mga gawain at reponsabilidad ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa National Economic and Development Authority (NEDA), anim buwan makaraan magbitiw si rehabilitation czar Panfilo Lacson.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …