Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oral arguments itinakda ng tribunal sa Hulyo (Sa isyu ng West PH Sea)

ITINAKDA na ng arbitral tribunal sa Hulyo ang oral arguments kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo ng Filipinas at China sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Atty. Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, inatasan ang dalawang panig na maghain ng mga karagdagang argumento sa nasabing pagdinig.

Nilinaw ng abogado na ang mga ilalahad na argumento ay bukod pa sa mga naunang pleading at ebidensyang naisumite na ng Filipinas sa nasabing tribunal.

Una na ring binigyan ng hanggang Hunyo 15 ang Tsina para sumagot sa reklamo ng Filipinas ngunit inaasahang hindi ibibigay ang kanilang panig.

Pinaniniwalaang hindi rin haharap ang China sa nasabing oral argument.

Gayonman, kompiyansa si Batongbacal na hindi masasayang ang ano mang hatol na ibababa ng tribunal, kahit pa patuloy na magmamatigas ang Tsina sa pagdalo sa mga pagdinig.

“Base naman doon sa latest press release ng DFA, ang step bale ay kumuha muna ng paborableng ruling mula doon sa tribunal sa pag-asang ‘pag paborable nga, magamit ‘yun sa pakikipag-usap sa Tsina ‘pag nagkaroon na ng negotiation tungkol nga d’yan sa West Philippine Sea,” paniwala ng eksperto.

Ayon sa PH: ASEAN dapat manindigan vs China reclamation sa West PH Sea

KUALA LUMPUR, Malaysia – Nagbabala ang Filipinas laban sa magiging epekto sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kapag pinabayaan ang reclamation ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa ASEAN Foreign Ministers Meeting, kung hindi kikilos ang ASEAN laban sa massive reclamation activities ng China, maaaring makasira ito sa adhikain ng ASEAN tungo sa centrality, solidarity o pagkakaisa at kredibilidad ng organisasyon.

Ayon kay Del Rosario, patuloy na binabalewala ng China ang mga apela at paalala ng Filipinas laban sa kanilang agresibong pagkamkam ng halos 85 percent ng West Philippine Sea.

Kasabay nito, hinamon ni Del Rosario ang ASEAN na manindigan para sa tama, sabihan ang China na mali ang kanyang ginagawa at dapat agarang itigil ang reclamation sa West Philippine Sea.

“ASEAN should assert its leadership, centrality and solidarity. ASEAN must show the world that it has the resolve to act in the common interest. Even as this issue is unfolding in our region, it invariably affects the entire global community. We have already heard from many members of the global community. In conclusion, may I submit the following: Is it not time for ASEAN to say to our northern neighbor that what it is doing is wrong and that the massive reclamations must be immediately stopped? On this most important issue, is it not time for ASEAN to finally stand up for what is right?” ani Del Rosario.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …