ni Ed de Leon
SIGURO ang tatanungin ninyo kung magkano na ang kinita ng huling pelikula niCoco Martin, iyong You’re My Boss, hanggang ngayon, hindi na namin alam pero iyon ay naging isang malaking hit. Nadaanan kasi namin ang mga sinehan, at nakita namin ang mahabang pila. Hindi na usual iyang pilahan sa sinehan eh, kasi nga nakabibili naman ng tickets in advance, at maaari ka pang mamasyal at bumalik na lang sa oras ng simula ng screening. Pero makikita mo rin ang pila kung sabay-sabay na nga silang naghihintay na magpapasok para sa kasunod na screening. Iyon ang mga pilang nakita namin.
Iyang si Coco ay isang star na masasabi nating “nilikha ng TV”. Doon siya talagang sumikat nang magsimula na siyang gumawa ng mga tele-serye sa telebisyon. Nagsimula siya sa mga pelikulang indie, na siguro nga ay dahilan kaya siya nahasa sa acting kahit na paano, pero hindi siya sumikat doon. Noong araw, nakapanood kami ng isang pelikula niyang si Coco na apat lang kami sa loob ng sinehan hanggang sa matapos. Wala naman talagang hit na indie noong araw eh. Mahusay man siya, wala namang nakakapanood sa kanya.
Marami rin siyang ibang sinubukan. Napasama pa iyan sa isang singing group. Hanggang sa matiyempuhan nga niya ang tamang diskarte. Lumipat siya saABS-CBN, pinagtiwalaan naman siyang makagawa ng isang serye, naging malaking hit iyon at masasabi ngang the rest is history. Nananalo siya ng mga awards, at ang higit na mahalaga mataas ang ratings ng kanyang serye at kumikita ang kanyang mga pelikula.
ipi hindi ganyan ang resulta ng mga pelikula ni Coco, hindi mo siya matatawag na big star talaga. Nagsimula lang na tawagin siyang big star noong mapatunayan na niya ang kanyang napakalakas na following at iyan ang nagawa ng TV para sa kanya.