Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jan Majesty Sola Dahilig ang batang biba

042715 jan majesty

UPRISING Future Little Superstar. Siya ay si Jan Majesty Sola Dahilig ng Grace Park, Caloocan City. Ipinanganak noong January 10, 2014. Sa kanyang murang edad ay nakitaan na agad siya ng potensyal sa larangan ng pagsho-showbiz dahil sa kanyang pagiging biba.

BIBA, bungisngisin, palangiti at palakaibigan. ‘Yan ang ilan sa natatanging katangian ni Jan Majesty Sola Dahilig. Ang nag- iisang anghel nina Jestine Marie Sola-Dahilig at Romar Dahilig, ipinanganak noong Enero 10, 2014.

Sa murang edad na 1 taon at 3 buwan, hindi matatawaran ang kabi-kabilang mga proyekto at pa-contest ang sinalihan ni Jan Majesty.

Noong siya ay 5 buwan pa lamang ay napabilang siya sa Top 3 Beginnings baby photo contest. Ika-7 buwan naman noong nagningning siya sa Twinkle Little Superstar kung saan siya ang pinakabatang kalahok at tinaguriang Facebook choice awardee, best in angelic attire at kasama sa Top 10 Finalists.

Pinakabatang modelo rin siya ng Federation of Philippine Photographers Foundation ( FPPF) sa edad na 8 buwan. Siya rin ang gaganap na batang Krystal Reyes sa ipalalabas na teleserye ng GMA 7 na Healing Hearts. Naging endorser/promoter rin siya ng Azzaria Couture. Sa kasalukuyan, modelo si Jan Majesty ng Iha dresses.

Upang mas makilala pa si Jan Majesty o sa mga interesadong makipag-ugnayan sa kanya, i-like lamang ang kanyang Facebook Page: https://www.facebook.com/JanMajestyOfficialPage

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …