Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga na magreretiro

ni Peter Ledesma

042715 vic sotto

NOONG Sabado ay nagkaroon ng malaking selebrasyon para sa kaarawan ng nag-iisang bossing sa Eat Bulaga na si Vic Sotto. Maraming sorpresa ang inihanda ang mga taong nasa likod ng number one and longest-running noontime variety show sa bansa para kay Bossing. Isa na rito ang regalo ni Dabarkads Paolo Ballesteros kay Bossing na ginaya niya ang mukha nito sa pamamagitan ng make-up transformation na kilalang dito siya expert and famous. Nagtagumpay naman si Paolo sa kanyang panggagaya dahil nakahawig niya si Vic.

Kitang-kita rin ang kasiyahan sa mukha ni Bossing nang naghandog ng kanta ang kanyang mga daughter na sina Danica Sotto at Paulina Sotto, anak niya sa nakarelasyon noon na si Angela Luz. Kasama ni Danica ang mister na cager na si Mark Pingris at dalawa nilang anak. Ilan pa sa naghandog ng awitin at bumati sa birthday celebrant ang anak-anakan na si Aiza Seguerra, mga kapatid na sina Senator Tito Sotto, Maru at Val Sotto, ang dekada nang kaibigan ni Bossing at kasamahan sa EB na si Joey de Leon at siyempre pa ang mga protegee ni Bossing na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Samantala maraming fans ang sumugod last Saturday sa Broadway Centrum ang hindi nakapasok sa studio, ang ginawa ni Bossing ay lumabas siya at binigyan ng regalo ang mga tagahanga ng ine-endorso niyang mga produkto. Kaya well-loved ang beteranong TV host dahil marunong siya talagang magpahalaga sa lahat ng kanyang mga supporter. Saka imagine, siya ang may kaarawan pero siya pa ang namimigay ng gift. Last week anim na box na may lamang iba’t ibang regalo ang ipinamigay ni Bossing sa mga Dabarkads. At dalawa sa mga nabibiyayaan ang nagkakilala noon sa kanilang problem solving segment sa show na sina Nanay Fe at Tatay Teban na ngayon ay mag-sweetheart na. Binigyan niya sila ng “Bossing Savings Bank” na parehong may initial deposit na malaking tulong sa mga pangangailangan nina Nanay Fe at Tatay Teban.

Hulog ng langit gyud!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …