Wednesday , January 1 2025

Bitay vs 10 drug convicts itigil – UN

UMAPELA si United Nations chief Ban Ki-moon sa Indonesia na huwag ituloy ang pagbitay sa 10 death-row drug convicts nito, kabilang ang isang Filipina.

Pahayag ng tagapagsalita ni Ban: “The Secretary General appeals to the government of Indonesia to refrain from carrying out the execution, as announced, of 10 prisoners on death row for alleged drug-related crimes.”

Nitong Sabado, inabisohan na ng Indonesian authorities ang walong foreign nationals na nakapiit dahil sa drug crimes — mula sa Australia, Brazil, Nigeria at Filipinas — ukol sa nakatakdang execution.

“Under international law, if the death penalty is to be used at all, it should only be imposed for the most serious crimes, namely those involving intentional killing, and only with appropriate safeguards,” dagdag ng tagapagsalita.

“Drug-related offenses generally are not considered to fall under the category of most serious crimes.”

Umapela rin siya kay Indonesian President Joko Widodo  na  ikonsiderang ipagbawal ang parusang ito.

“Recalling that the United Nations opposes the death penalty in all circumstances, the Secretary General urges President Joko Widodo to urgently consider declaring a moratorium on capital punishment in Indonesia, with a view toward abolition.”

Batay sa ulat, bigong makaapela ang mga dayuhang convict para makakuha ng clemency mula kay Widodo na nanindigan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Inaasahang sa loob ng ilang araw, papatawan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang mga preso. (HNT)

Execution vs Veloso posible pang maiurong – lawyer

POSIBLENG hindi pa ipatupad sa Martes, Abril 28 ang sentensiyang firing squad kay Mary Jane Veloso sa Indonesia.

Nilinaw ni Atty. Edre Olalia ng National Union of Peoples’ Lawyers, kompirmadong naka-iskedyul na ang pagpapatupad ng sentensiya ngunit ang petsang Abril 28 na unang iniulat na petsa ng firing squad ay siya lamang pinakamaagang araw ng pagpapatupad nito.

“Hindi ibig sabihin na eksaktong a-beinte otso (Abril 28). Ibig sabihin ‘yun ang pinakamaagang ipatupad ‘yung sentensiya. So pupuwede siyang maging 28, 29 or even later kasi nga ibig sabihin ng batas, mini-mum 72 hours advance notice,” ani Olalia.

Paliwanag pa niya, walang petsa ng pagpapatupad ng sentensiya sa dokumentong execution notice na natanggap mismo ni Veloso ngunit dahil nakuha na niya ang kautusan, tumakbo na ang mandatong oras.

Nakabase pa aniya ang mismong petsa sa iaanunsiyo.

Bukod pa aniya ito sa patuloy nilang paggalugad sa mga remedyong legal at apela sa kaso.

Hindi aniya pinirmahan ni Veloso, abogado at ng kinatawan ng embahada ng bansa ang naturang dokumento dahil naniniwalang nakabinbin pa ang kanilang ikalawang judicial review.

“Hindi pa po tapos ang lahat ng pagkilos namin dito at d’yan s’yempre. Tuloy pa rin ang paghahabol namin,” garantiya ni Olalia.

“At the minimum ay 28 kung walang magiging kapasiyahan na positibo ang korte … o di kaya kung walang diplomatic action na mangyayari mula kay Pangulong Widodo.”

Kabilang sa mga pinaplantsang aksyon ng mga abogado ang paglikom ng mga sinumpaang salaysay ng iba pang biktima ng recruiter ni Veloso, at ng kanyang asawa na planong ipadala sa Indonesia. Bukod pa aniya ito sa ikinakasang manifestation ng ilang ‘friends of the court.’

Bagama’t aminadong habang tumatagal, lumiliit ang tsansa, naniniwala si Olalia na “mabuti na ‘yung subukan lahat kaysa tanggapin na lamang ‘di ba?”

Ngunit kasabay nang layong ubusin ang lahat ng opsiyon, patuloy ang panawagan ni Olalia sa mas maigting pang aksiyong diplomatiko mula sa gobyernong Aquino sa kaso ni Veloso.

Veloso gumawa ng 4 sulat bago bitayin bukas

APAT na sulat ang ginawa ng Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso bago isakatuparan ang pinangangambahang pagsalang sa kanya sa firing squad sa Abril 28 sa Indonesia.

Kabilang sa ginawang sulat ni Mary Jane ang para sa  Department of Foreign Affairs (DFA), para kina Vice President Jejomar Binay at Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, para sa mga kabataan at kababaihan at ang huli ay para sa taong gumawa sa kanya ng kasalanan kung bakit siya napahamak sa Indonesia.

Ayon sa kapatid na si Marites, napatawad na ni Mary Jane ang taong nagpahamak sa kanya partikular ang sinasabing illegal recruiter na si Cristina Serio.

Gabi-gabi aniyang ipinagdasal ni Mary Jane si Cristina na makonsensiya at sabihin na ang katotohanan.

Iginiit ni Mary Jane kina Pangulong Aquino at Binay na wala siyang kasalanan at sila lamang ang makapagliligtas sa kanya sa parusang kamatayan.

Habang hinimok niya ang mga kababaihan at kabataan na iwasang mabiktima at masangkot sa illegal na droga.

Samantala, nais ni Mary Jane na maiuwi sa Filipinas nang buo ang kanyang katawan sakaling matuloy ang pagbitay sa kanya.

Ayaw rin umano ni Mary Jane na masaksihan ng kanyang pamilya ang aktuwal na pagsalang sa kanya sa firing squad ngunit pinatitiyak na agad kunin ang kanyang katawan upang maingatan at agad maiuwi sa Filipinas.

Magugunitang kamakalawa ay dalawang oras na nakasama ni Mary Jane ang kanyang pamilya at napuno ng emosyon ang tagpo ng magkakapamilya.

Kabilang sa bumisita kay Mary Jane ang kanyang ina at ama, kapatid at dalawang anak.

Magugunitang ipinagbigay-alam na kay Mary Jane na siya ay bibitayin sa Abril 28 ngunit hindi niya pinirmahan ang notice mula sa Indonesian government.

72-oras vigil para kay Mary Jane sinimulan na

NAGSIMULA na ang vigil ng ilang grupo para ipanawagang maisalba ang buhay ng Filipina na si Mary Jane Veloso, nakatakdang isalang sa firing squad sa Indonesia dahil sa kasong droga.

Linggo ng hapon, Abril 26 nang dumating sa embahada sa Makati ang mga miyembro ng Migrante bitbit ang mga placard at streamer na nakasulat ang mga salitang “Save the life of Mary Jane Veloso” “Labor export policy, ibasura” at “Trabaho sa Pinas, hindi sa labas.”

Nagtirik din ng kandila ang Migrante at iba pang grupo malapit sa ilang larawan ni Veloso.

Tatagal ang vigil sa loob ng 72-oras o hanggang sa Martes, Abril 28, petsa ng nakatakdang pagsalang sa firing squad kay Veloso.

Giit ni Sol Pillas, secretary general ng Migrante, dapat alisin ang death penalty kay Veloso dahil nakapaghain na ng petisyon para sa isang judicial review.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupong Gabriela, magdaros sila ng candle-lighting simula 5 p.m. sa Holy Rosary Church sa Tala, Caloocan.

Matatandaan, makaraan isama sa abroad ng recruiter na si Maria Kristina Sergio noong 2010, naaresto si Veloso nang mahulihan ng dalawang kilong heroin sa Yogyakarta Airport.

Sa kabila ng apela ng Filipinas, nanindigan si Pangulong Joko Widodo na dapat igalang ang batas ng Indonesia.

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *