Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, apat na project agad ang gagawin sa Siete

ni Roland Lerum

021615 AIAI delas alas

NAPAGOD na siguro si Ai Ai de las Alas sa kahihintay ng project sa ABS CBNat Star Cinema kaya nagdesisyon na lang siyang iwan ang Kapamilya Networkat lumipat sa GMA 7 na welcome naman siya. Close friend niya roon si Marian Rivera, remember, gumawa sila ng pelikula noon bilang kambal na magkapatid?

Hindi na nagsalita si Ai Ai sa reklamo niya sa rating network. Ang importante ay tanggap siya ng bagong tahanan. Two years contract siya sa Siete at noong pirmahan niya ang kontrata, grand welcome ang ibinigay ng Siete. Sakay siya ng isang karwahe na hila-hila ng pitong kabayong may suot na 7 dwarfs ay may bandang tumutugtog!

Ayaw na ring sagutin ni Ai Ai kung may kinalaman si Kris Aquino sa pag-alis niya sa Dos. Hindi rin ito ina-acknowledge ni Kris o gustong pag-usapan pa.

Sa kanyang tweet, sabi ni Ai Ai, ”Salamat sa mga kapwa ko Kapuso, salamat sa pag-welcome, Kambal Marian and Best Friend Uge (Eugene Domingo). God bless you more and i love you.”

Apat na show ang naghihintay kay Ai Ai sa Siete, isang teleserye, morning show with Ryzza Mae Dizon, sitcom with Boss Vic Sotto, at isang Sunday show.

Sana naman ay maging kuntento na siya rito. Ang problema lang, hindi na aktibo ang GMA Films sa paggawa ng pelikula, kaya rito siya lugi. Sa Star Cinema, nag-akyat ng milyon-milyon ang serye niyang Ang Tanging Ina noon. Pero hindi na naalala ito ng nasabing kompanya. Ganun sila tumanaw ng utang na loob. Isang flop na pelikula with Kim Chiu, goodbye na si Ai Ai.

Paalam William

NAKIKIRAMAY kami sa pamilya ng katrabahong repoprter, William Reyes na hindi na inabot ng 60 taon ay nagpaalam na sa mundo. Mabait si William at tahimik lang. Siya rin ang masigasig na mag-anyaya sa akin na bumalik na ako sa PMPC tuwing magkikita kami. A ng aming taos-pusong pakikiramay! Goodbye William!

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …