Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Pinoy mountaineer ligtas sa lindol sa Nepal  

LIGTAS ang dalawang mountaineer na Filipino na inabutan ng Magnitude 7.8 lindol na tumama sa Nepal habang nasa base camp ng Mount Everest.

Ito ang kinompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa ulat na kanilang natanggap mula sa Embahada ng Filipinas sa New Delhi, India.

Magpapadala pa rin ang DFA ng team sa Nepal para ayudahan ang mountaineers na sina Jessica Anne Nicole Ramirez at Jose Francisco Oracion.

Ang dalawa ay nagtungo sa base camp ng Everest para sa isang bakasyon at nanatili sa Khwopa Guest House sa Bhaktapur, Kathmandu nang maganap ang pagyanig.

Kasalukuyang nasa Durbar Square ang dalawa na dinala ang mga nakaligtas mula sa lindol na nagdulot din ng avalanche sa naturang bundok.

Binanggit ng DFA, posibleng dalhin sina Ramirez at Francisco sa konsulada sa New Delhi, pinakamalapit sa kanila o ‘di kaya ay ikuha ng ticket pabalik ng Filipinas.

Kasabay nito, tiniyak ni Maria Agnes Cervantes, Chargé D’affaires ng embassy sa New Delhi, na walang nadamay na Filipino sa lindol sa Nepal.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …