VERY vocal si Vivian Velez sa pagsasabing isa sa mga hinahangaan niyang artista si Angel Locsin. Nakasama na kasi nito ang aktres sa Imortal at sobra siyang bumilib dito.
Kaya naman kung may pagkakataon daw siyang mai-remake ang pelikulangParadise Inn, si Angel ang gusto niyang gumawa nito.
Kung ating matatandaan, nakasama rito ni Vivian ang legendary actress na si Lolita Rodriguez at ang veteran actor na si Michael de Mesa. Kaya kung ire-remake ito, si Angel ang gaganap sa karakter na ginampanan niya at nais naman niyang gampanan ang papel ni Lolita.
Nakausap namin si Vivan sa presscon ng Regenestem Manila na siyang nangangalaga sa kanyang flawless skin. Napag-alaman naming sa negosyo niya siya abala sa kasalukuyan habang wala pang offer o tinatanggap na TV series or guesting at movie. Pero kung may magandang offer daw na darating, tatanggapin niya iyon.
Sa kasalukuyang edad ni Vivian, kapuna-punang napapanatili nito ang kagandahan. Na kitang-kita naman dahil ang kinis-kinis pa rin niya at naggo-glow ang skin. Aminado ang aktres na sumailalim na rin siya sa ilang procedure sa Regenestem tulad ng PRP (platelet rich plasma) injection where in they uses a patient’s own blood components, in this case his platelets, to stimulate a healing response in damaged tissues.
Ipinagmamalaki rin ni Vivian na naiiba at napaka-safe ng stem cell procedure ng Regenestem Manila dahil hindi ito katulad ng ginagawa sa Europe na mula sa black sheep ang ini-inject sa tao. Sa Regenesten, mula sa katawan din ng pasyente kinukuha. ”Here in Regenestem, from your own body, your bone marrow, your blood. It’s not outside entity, but it’s yours so it’s safe,” giit pa ni Vivian.
Ang Regenestem Manila ay ang first clinic in Asia, ito ang international medical practice company na nagbibigay ng “most comprehensive at up-to-date stem cell treatments” sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa totoo lang, hindi naman endorser ng Regenestem Manila si Vivian, isa lang siyang client nito, ”Talagang hinanap ko sila kasi marami na ang nakapagkuwento sa akin about their services. So, I tried it, at satisfied naman ako.
“Wala naman akong sakit, pero sabi nga nila, mas maganda ang stem cell procedure hangga’t wala kang nararamdaman, so it’s more of prevention, hindi talaga ito cure sa mga sakit. It will also help improve the health and quality of life of people,” paliwanag ni Vivian.
“Our clinic (na matatagpuan sa Belson House, EDSA Connecticut, Mandaluyong) is comprised of highly-qualified and experienced doctors and professionally-trained medical staff that deliver not only the latest and most cutting-edge procedures in cellular medicine but also world class services in orthopedics, cosmetic surgery, and dermatology,” sambit naman ni Dr. Eric Yalung, cosmetic surgeon at may-ari ng Regenestem Manila.
Ang ilan pa sa mga ipinagmamalaki nilang doktor ay sina Anna Yalung, dermatology; Narciso Adraneda Jr., cosmetic surgery; at Ray Allen Enriquez, Orthopedics.
Ang Regenestem Manila ay isa sa pinagkakatiwalaan at makabagong sentro na dalubhasa sa Regenerative Medicine, Sports Medicine, Pain Management, Molecular Orthopedics, at Cell-based Therapy. Bahagi ang Regenestem Manila ng Global Stem Cell Group, isang international company na layuning magbigay ng komprehensibo at pinakamakabagong stem cell reatments sa kanilang mga pasyente mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang state-of-the-art medical center ng Regenestem Manila ay binubuo ng mga dalubhasa at espesyalistang doctor.
Adbokasiya rin ng Regenestem Manila na ipakilala sa bansa ang mabisa, mabilis, at makabagong treatment ng arthritis na isa pinakamasakit na karamdaman na hindi namimili ng edad at kasarian. Kasama sa treatment na ginagawa ng Regenestem Manila ang paglapat ng pagpapagaling sa iba’t ibang orthopedic conditions at injuries.
Para sa ibang mga katanungan, mag-e-mail lang sa [email protected]. O tumawag sa 2452000, 09175414164.
ni Maricris Valdez Nicasio