Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taguring ‘Special relationship’ nina Kim at Xian, ‘di pa rin nababago

 

022715 kim chiu xian lim

00 SHOWBIZ ms mWALONG taon na pala ang nakararaan nang unang gumawa ng album si Kim Chiu kaya naman tuwang-tuwa ito nang magbalik-recording. Kamakailan inilunsad ng Star Music ang bagong album niyang Chinita Princess.

Bale ito ang unang solo album ni Kim matapos mai-release ang first album niyangGwa Ai Di noong 2007.

Ang Chinita Princess album daw, ani Kim, ay ang pagpapahayag ng nararamdaman niya ngayon lalo na ang positibong pagtingin niya sa buhay. ”I’m glad I was given a chance to express my opinion. At least, the songs here are more personal,” giit pa ni Kim na inihahandog niya ang mga awiting nakapaloob sa album sa kanyang mga tagahanga, mga kabataan, at sa young at heart.

Si Rox Santos ang overall producer ng Chita Princess. Bahagi sa traklist nito ang latest single ni Kim na Mr. Right, Darating Din, ang revival ng Wala Man Sa ‘Yo Ang Lahat ni Myrus, Express Yourself, Say We Don’t Care, at Someday (Crazy Love), isang remake ng kanyang 2007 hit. Bahagi rin ng album ang minus one version nglahat ng mga kanta.

Samantala, hindi pa rin nababago ang taguri nina Kim at Xian Lim sa kanilang relasyon, ang special relationship”. Basta ang mahalaga kay Kim maligaya sila na magkasama at kontento sa kung anong mayroon sila sa ngayon.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …