Friday , January 10 2025

P70-B pondo huwag sayangin sa BBL

00 bullseye batuigasANG P70 bilyon na nakatakdang ilaan ng gobyerno sa unang taon pa lang ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa oras na maaprubahan ito ay pagtatapon lang ng pera mula sa kaban ng bayan.

Tanggapin ang katotohanan na ang pondong ito ay mula sa binayarang buwis ng sambayanan. Ipagkakatiwala ba natin ito sa traydor na Moro Islamic Liberation Front (MILF)?

Ano ang katiyakan na gagamitin nila ang bawat sentimo nito para sa mamamayang Bangsamoro?

Huwag sana tayong maniwala sa mga boladas ng mga hinayupak na MILF. Ang habol nila ay mapasakamay ang kapangyarihang magpatakbo ng malaking bahagi ng Mindanao nang hindi kontrolado ng gobyerno, at mahuthot ang P70 bilyon o higit pa sa ating kaban taon-taon.

Ayon kay MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal, ibubunyag lang niya ang tunay niyang pangalan kapag naaprubahan na ang BBL.

Mantakin ninyong gumamit siya ng alyas nang pumirma sa kasunduang pangkapayapaan sa gobyerno. Sa simula pa lang ay ginago na tayo ng damuho, at ang masakit ay alam daw ito ng ibang opisyal ng gobyerno na nagsusulong na matuloy ang BBL.

Paano kung totoo ang sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang tunay na pangalan ni Iqbal ay Datucan Abas, at may mga dokumentong nagpapakita na nahaharap sa multiple murders sa pambobomba ng Davao International Airport at Sasa Wharf noong 2003?

Binalewala ba ng gobyerno at idinismis ang mga kasong ito para matuloy ang BBL, mga mare at pare ko, o maging ang gobyerno ay niloko ni Iqbal? Ano ang mayroon sa BBL na iyan at pilit nilang itinutuloy kahit salungat sa Konstitusyon ang maraming kondisyones dito?

Manmanan!

***

ANG mga kababayan natin ay pinagbabawalan ng China na mangisda sa Bajo de Masinloc o Panatag Shoal na sarili nating teritoryo, at kapag may lumabag ay binobomba ng water cannon.

Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na simple lang ang mga instalasyon natin sa West Philippine Sea kompara sa mga gamit ng China.  Ganu’n pa man ay gagampanan daw ng AFP ang kanilang tungkulin na ipagtatanggol ang mga sarili at ang teritoryo.

Sadyang kulang sa gamit ang ating pulisya at militar. Sa halip na itapon ang pondong P70 bilyon sa BBL ng mga traydor na MILF ay makabubuting gamitin ang pondo upang mapalakas ang ating AFP at Philippine National Police (PNP).

Noong 1970s ay hindi makaporma ang China o iba pa, mga mare at pare ko, dahil kapag may inilagay silang marker para mag-claim sa West Philippine Sea ay agad nating pinasasabog.

Lumala ang problema ngayon dahil pinabayaan nating abusuhin tayo ng mga damuho.

Tandaan!

***

PUNA: “Dapat ubusin na ang mga rebeldeng ’yan. ’Yan ang salot sa lipunan. Pampagulo lang ‘yan. Kung ako lang ang masusunod, papatayin ko mga rebelde Abu Sayyaf at MILF na ‘yan. ‘Yang kumander nila Mohagher Iqbal durugin kong pinung pino ‘yang animal na ‘yan.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *