SO so true!
Sa very special episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na two-part episode (Abril 25 at May 2), tungkol sa buhay ng magkaibigang bahagi ng Fallen SAF 44 ang ating matutunghayan.
Gaganap dito sina Coco Martin at Ejay Falcon bilang ang magkaibigang magkatabi nang bawian ng buhay sa gitna ng laban. At si Angel Locsin ang gaganap bilang ang kasintahan ni Sir Garry Iraña na si Suzette na isa palang lawyer at nag-aaral din sa New Zealand that time.
Very excited si Coco sa project and he even wished na pelikula na rin itong ginawa nila. At sa paminsan-minsan nitong paglabas sa MMK, he makes sure na talagang magiging kaabang-abang ito.
Ang kuwento nga ng production manager na si Roda dela Cerna, nang lumabas na ang balita sa mga kaganapan sa Mamasapano, naging interesado agad sila sa istorya ni Garry.
Nang ma-feature ito tumatak na agad sa kanila ang nangyari rito na katabi ng libingan niya ang sa kaibigan. Kaya kahit na isang istorya lang ang kailangan nila eh, hindi rin nila napaghiwalay ang dalawa.
Sa pagkuha naman ng nasabing istorya, nagpasabi agad sa RNG (Regional Network Group) ang MMK sa kanilang interes na mai-feature ito at sila lang ang binigyan ng pahintulot sa nasabing istorya. Kahit pa may mga ibang networks na kasabay sila, sa Kapamilya ipinagkatiwala ang istorya ng dalawang commando leaders na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan.
Hindi nga raw ito makakalimutan ni Coco dahil minsan sa isang panahon, bukod sa pagiging isang boksingero at chef sumagi rin sa pangangarap niya ang maging isang pulis. At dito nabuksan pang lalo sa isip na na hindi lang pulis as in pulis ang maging bahagi ng SAF (Special Action Force).
Kuwento ng isang love story at friendship ang masasabing advanced anniversary presentation na ito ng MMK. Kukurot sa puso, magpapatawa, magpapaiyak.
Tunghayan kung paanong naisapuso nina Coco, Angel, at Ejay ang mga karakter na kakatok sa ating mga tahanan sa dalawang Sabado nights!
Garry Fernando directs!
ni Pilar Mateo