Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuwento ni “Nathaniel” panalo sa TV ratings trending pa sa Twitter

041815 nathaniel gerald shaina

00 vongga chika peterMAHIGPIT na niyakap agad ng buong sambayanan ang pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na “Nathaniel” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa.

Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Abril 20), humataw ang pilot episode ng “Nathaniel” taglay ang national TV rating na 29.4% o 14 puntos na kalamangan kompara sa katapat nitong programa. Dahil sa magandang mensahe at aral na itinuturo nito, namayagpag din ang “Nathaniel” sa social media sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang hashtag na #Nathaniel. Patuloy ang tagumpay ng teleserye nina Gerald, Shaina, at Marco noong Martes (Abril 21) kung kailan humataw ito sa national TV rating na 31.5%, o 15 puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng kompe-tisyon (16.1%).

Samantala, abangan ang mas gumagandang kuwento ng “Nathaniel” ngayong hinaharap na nina Paul (Gerald) at Rachel (Shaina) ang bagong kabanata ng kanilang buhay matapos mamatay ang kanilang anak na si Nathaniel.

Tuluyan na nga bang mawawala ang pagmamahal nina Paul at Rachel para sa isa’t isa dahil sa galit at sakit na nasa kanilang mga puso? Ano ang kanilang gagawin sa oras na magkrus ang landas nila ni Nathaniel (Marco) na ngayon ay isa nang anghel na bumaba sa lupa?

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na tagpo sa kuwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, “Nathaniel,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH,Twi-tter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Samantala, maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nathaniel” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile. com para sa karagdagang impormasyon.

 

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …