Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakakaibang ice cream para sa tag-init

020615 grr

GRABE ang init ngayon kaya ang ating mga katawa’y naghahanap ng masasarap na pampalamig tulad ng ice cream. Samahan natin si Mader Ricky Reyes sa pagdalaw nito sa isang ice cream parlor na may kakaibang sorbetes flavor tulad ng Tilapia Ice Cream, Champoradong Ice Cream, at Itlog na Maalat Ice Cream. Pagtikim pa lang ninyo ay tiyak na mapapa-WOW kayo.

Tampok ito sa segment na Da Best Sorbetes ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa GMA News TV lifestyle show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT).

Bisita rin sa show ni Mader Ricky si Dr. Tamayo na ihahatol ang mga gulay at prutas sa inyong halamanan na lunas sa maraming karamdaman. Singbisa raw ito ng mga gamot na nabibili sa mga botika.

Panauhin din sa GRR TNT ang Kiddies Incredible o mga batang nakababasa ng mga letra at numero habang nakapiring ang mga mata.

Rarampa rin ang mga kandidata sa Miss Earth Philippines sa kanilang swimsuit competition na ginanap sa paraisong Golden Sunset Resort Inn and Spa sa Barangay Uno, Calatagan, Batangas.

Tampok din si Dr. Alvin na isang skin specialist na magde-demonstrate ng mga kaparaanan para kuminis ang kutis na tinatawag niyang beauty eternally.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision na laging handa para sa mga problemang pang-kagandahan, kalusugan, kabuhayan, at kakinisan na kayang-kayang lutasin ng Mader of all Mothers, ‘di ba? Mader knows best. And he has all the answers and solutions to your problems.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …