Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmin, naiiyak daw dahil sa separation anxiety

042515 jasmine curtis

00 fact sheet reggeeINABUTAN naming naluluha si Jasmin Curtis Smith sa taping ng Grand Finals ng Move It Clash Of The Streetdancers na mapapanood sa Linggo, 8:00 p.m. sa TV5.

May separation anxiety daw kasi si Jasmin sa mga dancer na kasali sa show at sa mga staff na nakasama niya ng isang buong season.

“Ganyan ‘yan, kapag patapos na ang show, malungkot na ‘yan, naiiyak talaga kasi nga napamahal sa kanya ‘yung mga kasama niya,” kuwento naman ng manager niyang si Betchay Vidanes.

Kaya’t hindi muna namin nalapitan kaagad si Jasmin sa entablado habang nanonood ng final rehearsal ng finalists dahil nag-e-emote nang husto.

In fairness, ang gagaling ng limang dance crew tulad ng Pangasinan Movementmula sa Mangaldan, Pangasinan na rating back-to-back champion sa World Supremacy battlegrounds sa Sydney, Australia 2011 at 2012; Two time awardee ng Ani ng Dangal (National Commission for Culture and Arts category 2012 at 2013.

Ang ikalawang dance crew finalist ay ang FCPC Baliktanaw Performing Arts mula sa San Jose del Monte, Bulacan na naging grand champion noong 2007 at 2011 sa Indakan Festival of San Jose Del Monte City Bulacan; 2012 grand champion ng SM Fairview GFV Interpretative Dance Festival; 2013 2nd runner-up Starmall-Stardanz Hip Hop Competition; 2013 grand champion ng PHILTOA Cultural Dance Competition, at 2013 ALIW awards sa kategoryang Discovery of the Year.

Ang ikatlong dance crew ay ang Nocturnal Dance Company mula sa Quezon City na naging Talentadong Pinoy HALL OF FAMER (The Battle Royale) na ipino-promote naman nila ang Filipino culture through dance collaborating Hip Hop and street dancing style.

Ikaapat na dance crew ay ang FMD XTREME buhat sa Marikina City na naging back-to-back champion sila sa World Supremacy Battlegrounds in Sydney Australia, 2013 and 2014.

At ang ikalima ay ay PUP Power Impact dancers na naging 2014 champion saDell’s Break Beats 2014; 2014 CHAMPION, Gear Up back-to-back CHAMPION-ayaw Hataw ; 2013 CHAMPION, PUP Jive CHAMPION, the Step Up 4: Revolution 3D dance battle; 2013 CHAMPION, CBA Jive 2013 CHAMPION,Selecta’s ‘Make It Happen’ Summer Showdance (Galleria Leg).

Ang Solo Movers naman na si Dhztine Bernardino, Professional dancer, 2014 dance2dance 2nd place, Switzerland; 2014 syntax dance competition champion; 2014 Hip Hop International Champion, Las Vegas, Nevada; 2014 Hip Hop International regionals and national Champion, Philippines; 2014 Seacon Bangkae Street Challenge 1st runner up, Thailand; 2013 World supremacy Battlegrounds 2nd runner up, Australia; 2013 U-belt dance duo 1st runner up; 2013 Singapore Dance delight Finalist, Singapore at 2013 Philippine dance delight 2nd runner up

Ikalawa si Job Zamora na anak ng kilalang Maneouvers na si Joshua Zamora. Isa si Job sa kilalang dancer, commercial model, entrepreneur, TV actor, financial analyst. Nagtapos ang binata ng kursong Business Management sa De La Salle University at kasalukuyang miyembro ng Manoeuvers 4th generation.

Ikatlo si Anykka Asistio na anak ni Nadia Montenegro kay dating Caloocan City Mayor Boy Asistio, TV5 talent at nakasama sa mga programang B.F.G.F., PO5 , at Hey it’s SaberdaY.

Ikaapat naman si RJ De Claro na isang professional choreographer, dancer, at miyembro rin ng Maneouvers at dating Abstract dance troupe member.

Ang mananalo sa dance crew ay mag-uuwi ng P1,000,000 at P500,000 naman sa Solo movers na mapapanood sa April 26 sa TV5, 8:00 p. m..

Going back to Jasmin, wala raw talaga siyang lovelife ngayon kaya puro trabaho lang ang inaasikaso niya at pagkatapos nga ng Move It ay kasama naman siya sa bagong game show na Happy Truck na magsisimula sa Mayo.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …