Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Withdrawals sa Revilla at Corona assets lilinawin

MAGING ang Malacañang ay nagulat sa balita kaugnay sa sinasabing pagkaka-withdraw ng mga naka-freeze na assets sa banko nina Sen. Bong Revilla at dating Chief Justice Renato Corona.

Si Revilla ay kasaluku-yang nakakulong dahil sa kasong plunder na nag-ugat sa pork barrel scam habang si Corona ay na-impeached kaya ‘frozen’ at hindi maa-aring galawin ang kanilang bank deposits.

Dahil sa withrawals, nababahala ang ilang anti-corruption watchdogs na baka makapag-withdraw na rin ng pera si Janet Lim-Napoles at malusutan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, aalamin muna sa mga banko kung kailan nangyari ang withdrawals at kung aling bank accounts ang nagalaw.

Ayon kay Lacierda, kung naganap ang withdrawal pagkatapos mailabas ang freeze order, tiyak na may paglabag at may problema sa monitoring ng mga banko at AMLC.

Una nang lumabas sa report na halos nalimas o naubos na ang bank depo-sits nina Revilla at Corona sa kabila ng freeze order mula sa korte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …