Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, ‘di raw masama ang loob kina Coco at Kris

 

ni Alex Brosas

042415 vice coco kris

HINDI sinisi ni Vice Ganda si Coco Martin sa pagkalat ng chikang dyowa niya ang newcomer na si Kurt Ong dahil, “unang-una wala naman siyang sinabing pangalan.

“Hindi ko puwedeng isisi kay Coco ang ginawa ng ibang tao kasi hindi naman si Coco ang nag-conclude, eh, ‘yung mga tao, ‘di ba? Hindi kami nakakapag-usap pa,” say niya sa intimate presscon para sa forthcoming concert niya sa Araneta Coliseum, ang Vice Gandang Ganda Sa Sarili sa Araneta, Eh di Wow, sa May 22.

Wala naman daw siyang itsinitsika about his love life kay Coco dahil “kahit naman hindi ko kuwentuhan ‘yon ay malalaman niya ‘yon.

“Alam niya kasi na lumalabas kami nina Kurt. Sinabi ko sa kanya mga barkada ko ‘yon, baliw. ‘Bat mo naging barkada ‘yan?’”

Sa isyung nagtampo siya kay Kris Aquino dahil sa website at statement T-shirt business na gusto niyang itayo, ito ang pahayag ni Vice, “Gusto kong malaman kung kanino nanggaling kasi sa source pa lang malalaman natin kung totoo ‘yan o hindi. Kasi unang-una bago ako umalis ay si Kris ang kasama ko. Pagdating ko sa Pilipinas ay si Kris and dapat sana ay sasalubong sa akin. May tumawag sa akin at tinanong kung ano ang issue ninyo.

“Ano’ng issue sa amin ni Kris?’ ‘tungkol doon sa T-shirt.’ Wala nga kaming pinag-usapan about that. Wala kaming dapat klaruhin as in wala,. Never kaming nag-away, never kaming nagsitahan. Ano ba, ang daming nagpapalabas ng T-shirt at saka ng website. Ang dami-daming artistang may website. Kung mayroon mang naglabas ng isyung ‘yan ay nadamay lang ako.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …