Wednesday , November 6 2024

Si Binay at si Amay

EDITORIAL logoLAHAT na yata ng kamalasan ay kinuha ni Vice President Jejomar Binay. 

Nagsimula ang kalbaryo ni Binay nang ideklara niyang tatakbo siya sa pagkapangulo sa darating na 2016 presidential elections.

Patong-patong ang problemang kinaharap ni Binay.  Simula sa kontrobersiya ng Makati City Hall Parking Building II, sinundan ito ng Hacienda Binay, Makati Science High School Building, Boy Scouts of the Philippines at iba pang kontrobersiyang kinasasangkutan ng pamilya Binay.

At ngayon naman, nahaharap sa isang mabigat na dilemma si Binay. Wala siyang makuhang ka-tandem na bise presidente sa kanyang pagtakbo sa halalan bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayaw sa kanya ni Sen. Chiz Escudero. Ayaw sa kanya ni Sec. Mar Roxas.  At lalong ayaw na ayaw sa kanya ni Sen. Grace Poe.  Mukhang desperado talaga ang mama dahil pati si Darlene Berberabe, chair ng Pag-Ibig Fund, ay ikinonsidera na rin niya na kunin bilang kanyang running mate.

Parang may ketong na pinandidirihan si Binay.  Walang makuhang bise presidente na sasama sa kanya pagdating ng 2016 elections.  Pero hindi dapat panghinaan ng loob si Binay. Marami pa rin naman talagang gustong tumakbo sa pagka bise presidente sa darating na eleksiyon. 

Bakit hindi niya subukang kunin si Amay Bisaya?

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *