Saturday , November 23 2024

SC, bakit mabait sa mandarambong

00 Kalampag percyNASA sentro ng atensiyon ng publiko ang Korte Suprema bunsod ng petisyon ng Ombudsman na kumukuwestiyon sa pagpapatigil ng Court of Appeals (CA) sa preventive suspension order laban kay Makati City Mayor Jun-jun Binay.

Nag-ugat ang usapin sa plunder case laban kay Binay sa overpriced Makati City Hall building.

Apat na mahistrado ang nag-inhibit o hindi lalahok na magpapasya sa petisyon bunsod sa iba’t ibang dahilan.

Sa kasong ito ay muling masusukat kung ang paninindigan ng Korte Suprema ay laban sa korupsiyon o depende sa personalidad na sangkot sa kaso.

Noong nakaraang Enero lang, kasama sa 11 mahistrado na bumoto sa pagbasura ng disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sina SC Associate Justice Teresita De Castro at Disodado Peralta.

Sina PERAalta at De CASHtro ay dalawa sa tatlong mahistrado ng Sandiganbayan Special Division na humatol at nag-convict kay Erap sa kasong plunder.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, kasamang ipinataw nina Peralta at De Castro sa kanilang hatol kay Erap ang “perpetual disqualification from holding any public office” o hindi na muling makatakbo at makahawak ng anomang posisyon sa pamahalaan bilang isa sa mga accessory penalties.

Pero sina Peralta at De Castro ay kasama sa 11 mahistrado ng SC na bumotong pabor sa pagtakbo ni Erap na alkalde sa Maynila noong 2013 elections.   

Ano’ng dahilan at tumambling sina Peralta at De Castro para kontrahin ang sarili nilang hatol kay Erap makalipas ang mahigit pitong taon?

Hindi lamang ‘yan, ikinompromiso rin ng Supreme Cout pati ang kasong plunder at mga batas laban sa mga mandarambong sa kanilang ginawang desisyon sa disqualification ni Erap.

Dahil tinanggal na ng Supreme Court ang ngipin ng kasong plunder sa disqualification case ni Erap, sino pang mandarambong na politiko ang matatakot makasuhan ng plunder na kapag humingi at nabigyan ng pardon ay pwede nang makatakbo muli?     

Plunder vs. Dichavez ipinatigil ng SC

NOON pa mang Hulyo 2013, marami na ang dudang “tuwid ang daan” sa Kataas-taasang Hukuman nang kanilang utusan ang Ombudsman at Sandiganbayan na itigil ang pagdinig sa plunder case laban sa negosyanteng si Jaime Dichavez.

Si Dichavez ang crony ni Erap na tumulong sa kanya sa pagkakamal habang nakaupong pangulo ng bansa at umako na siyang may-ari ng Jose Velarde account na pinagtaguan ng mga dinambong nitong yaman.

Dahil hindi napanagot si Dichavez sa kasong plunder, lumakas ang loob ng mama kaya ipinagpatuloy ang naunsyaming iskema ng pagnanakaw nang mapatalsik si Erap sa Palasyo noong 2001.

Paano ngayon dedesisyonan ng SC ang kaso ni Binay kung may record na ipinatigil ang paglilitis ng plunder case gaya ng ginawa ng Court of Appeals?

Justices nagmukhang kenkoy

PAIIMBESTIGAHAN raw ng Court of Appeals ang dalawang mahistradong ibinulgar ni Sen. Antonio Trillanes na tumaggap ng suhol na P50-M kapalit ng temporary restraining order (TRO) at P5-M sa permanent injunction na kanilang inilabas pabor kay Mayor Junjun Binay.

Ito ay sa kabila na naunang nagsalita ang Supreme Court at sinabing puwede lang raw nilang paimbestigahan ang eskandalo kung may ebidensiya laban kay CA Associate Justices Jose Reyes at Francisco Acosta.      

Hindi ba nagmumukhang Kenkoy at Mickey Mouse ang labas ng Supreme Court dahil pwede naman pala nilang imbestigahan ang nabulgar na suhulan kahit wala pang nailalabas na ebidensiya?

Hindi ba may kapangyarihan ang Supreme Court na kung tawagin ay Motu Proprio?

Gusto ko nang maniwala na mas bagay na gamiting slogan ng Supreme Court ang: “’Pag ayaw, maraming dahilan. ‘Pag gusto, maraming paraan,” kompara sa “Justice delayed, justice denied.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *