Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, magustuhan pa kaya ng fans sa gusgusin at pawising hitsura?

042315 richard yap

00 fact sheet reggeePAGKATAPOS gumanap na kagalang-galang na amo bilang si Ser Chief si Richard Yap sa seryeng Be Careful with My Heart, magiging action star naman siya sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito kasama sina Enchong Dee, David Chua, Sofia Andres, at Atoy Co handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon ni Erik Salud.

Malayo na ang imahe ni Richard na mabango at malinis tingnan sa bago niyang papel bilang martial arts expert dahil dito sa bagong serye ay mapapanood na siyang puro pawis at madungis kapag tinuturuan na niya si Enchong.

Kuwento ng tsinitong aktor, “magiging protégée ko si Diego, ituturo ko lahat ng alam ko sa wushu.”

Kailangan daw kasing ipasa ni Richard ang nalalaman niya sa wushu sa taong may magandang puso at si Enchong nga iyon.

Si Steven Seagal na kilala naman bilang mahusay sa Aikido, 7th dan black belt at nagtuturo sa Japan ang idol ni Richard pagdating sa martial arts at marahil kapanahunan niya.

Dahil si Enchong naman ay si Jackie Chan ang idol, si David naman ay si Jet Li, at si Atoy naman ay si Bruce Lee at biniro naman si Sofia na si Cynthia Luster ang peg.

Anyway, naikuwento ni Richard na noong nagsisimula raw siya ay nakatikim siya ng discrimination kapag nag-o-audition dahil mas pinapaboran daw ng casting agency ang mga mestizo looking at hindi type ang maliliit ang mata o tsinito.

“Ako na-experience ko ‘yan kasi usually, puro mga mestizo (hinahanap), ngayon medyo in na ngayon (Chinese) mas accepted na sa market. Advantage na ngayon ang chinito,” nakangiting kuwento ng aktor.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …