Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patent right vs 2 pharma firms ibinasura ng korte

IBINASURA ng Makati Regional Trial Court ang kasong patent right na inihain ng isang multi-national company laban sa dalawang pharmaceutical firms matapos mapatunayang ito ay nag-forum shopping.

Inorderan din ng korte ang Merck Canada na ibalik lahat ng ipinakompiskang dokumento at mga gamot sa Sahar noong Oktubre 11, 2014 sa loob ng 10 araw.

Dinismis ng korte ang patent right base sa parehong kaso na inihain ng Merck, sa pamamagitan ng Sapalo Velez Bundang & Bulian law firm, sa Intellectual Property Office (IPO), isang quasi-judicial body, laban sa Sahar at Suhitas pharmaceuticals.

Nauna nang idinismis ng IPO ang patent infringement case hinggil sa pain reliever drugs Xibra at Torico na iniimporta at ipinagbibili ng Sahar and Suhitas, ngunit binaliktad nito kalaunan ang desisyon pabor sa Merck.

Sa tatlong pahinang desisyon ni Judge Cesar Untalan ng MRTC, sinabi ng korte na nagkamali ang Merck ng paghahain nito ng parehong kaso sa IPO laban sa Sahar at Suhitas.

Ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng Sahar, ang desisyon ay “tagumpay sa Republic Act 9502 o Cheaper Medicine  Law at Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.”

“Ito ay malaking tulong sa mahihirap na makabili ng mura ngunit may kalidad na gamot na halos 300 porsyento ang taas ng halaga sa mga multinational companies,” dagdag ni Macalanggan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …