“NAGUGULAT ako Reggs, hindi ko alam san galing ‘yung isyu na ‘yan, you can check may Twitter wala akong ipino-post. And I don’t have Facebook account, kaya nagugulat ako,” pahayag sa amin ni Nadia Montenegro nang makita namin siya sa grand finals taping ng Move It Clash of the Streetdancers na kasama sa finalist ang anak niyang si Anykka Asistio.
Sina Laarni Enriquez at Precy Vitug-Ejercito ang nababanggit na kaaway daw ni Nadia at nalaman namin ito nang tawagan kami ng kilalang personalidad para tanungin kung totoo ang isyu na nabasa rin daw niya sa isang pahayagan.
Kaya sakto naman na noong pumunta kami sa grand finals taping sa TV5 Novaliches ay naroon nga si Nadia kasama ang buong pamilya bilang suporta kay Anykka.
“Reggs, I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy or ni Laarni, magkakaibigan kami at kumare ko sila, ninang sila ng mga anak ko, kaya nahihiya ako, ano ba ‘yan. Hindi totoo ‘yan, san kaya galing ‘yan,” paliwanag sa amin ng mama nina Anykka at Inah.
Anyway, napanood naming sumayaw sa Move It Clash of the Streetdancers na mapapanood si Anykka at mahusay pala kaya pala naging wild card siya sa dance show na mapapanood sa Linggo, 7:00 p.m. sa TV5 na hino-host nina Jasmin Curtis Smith at Tom Taus Jr..
ni Reggee Bonoan